123 Labis na Pinagpala ang mga Nagmamahal sa Diyos

1 Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos; tinatamasa nila ang gawain at patnubay ng Banal na Espiritu. Habang binabasa ang mga salita ng Diyos, naliliwanagan at natatanglawan sila; may tanglaw sa kanilang mga puso, at may landas silang masusundan. Labis na kalugod-lugod ito, na talikuran ang laman, iwanan ang sekular na mundo, at mamuhay sa harap ng Diyos. Isinasaisip ang kalooban ng Diyos, ginagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin, nasisiyahan at napapayapa ang kanilang mga kaluluwa. Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos; alaga sila sa paghatol at pagkastigo. Habang tinatanggap ang paghatol, nalilinis sila, at nagdadala ng luwalhati sa Diyos ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon. Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos; itinuturing nila ang Kanyang kalooban bilang kanilang bokasyong panlangit. Habang isinasagawa ang katotohanan at sinusunod ang Diyos, natatakot sila sa Diyos at namumuhay sa gitna ng liwanag. Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos.

2 Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos; natatanggap nila ang Kanyang mga pagsubok at pagiging perpekto. Kasama Siya sa kanilang tabi sa sakit at kahirapan, natitikman nila kung gaano katotoo ang Kanyang pag-ibig. Habang tinatakasan ang impluwensiya ni Satanas, iisang puso at isip sila sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagpipino, mas nagiging dalisay ang kanilang pagmamahal, at paparangalan nila ang Diyos at magpapatotoo sa Kanya magpakailanman. Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos; sumusuko sila sa Kanyang mga pagsasaayos sa panahon ng ginhawa at hirap. Matapat silang sumusunod sa Diyos hanggang sa kamatayan at ginugugol ang kanilang buong buhay para sa Kanya. Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos; Siya’y kanilang sinasamba sa espiritu at sa katotohanan. Sila’y nagiging malapit sa Kanya, tumatanggap ng Kanyang mga pangako at pagpapala. Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos.

Sinundan: 122 Mahalin ang Diyos Upang Mamuhay sa Liwanag

Sumunod: 124 Pinagpapala ng Diyos ang mga Nagmamahal sa Kanya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito