332 Apat na Kasabihan
1 “Iniibig” Ako ng mga tao, hindi dahil ang kanilang pag-ibig para sa Akin ay likas, kundi dahil natatakot sila sa pagpaparusa. Sino sa mga tao ang isinilang na umiibig sa Akin? Mayroon bang sinuman na tinatrato Ako na tulad ng pagtrato nila sa sarili nilang puso? Kaya’t binubuod Ko ito sa isang kasabihan para sa mundo ng tao: Sa kalipunan ng mga tao, wala ni isa mang umiibig sa Akin. Maaari Kong mahalin ang tao nang walang hanggan, at maaari Ko rin siyang kamuhian nang walang hanggan, at hinding-hindi ito magbabago, sapagkat matiyaga Ako. Subalit walang ganitong tiyaga ang tao, lagi siyang pabagu-bago ang damdamin niya sa Akin. Sa gayon, pinaiikli Ko ito sa isa pang kasabihan: Walang tiyaga ang mga tao, at sa gayon ay hindi nila kayang sundin ang puso Ko.
2 Ngayon, hindi Ko pa rin alam kung bakit hindi sumusunod ang tao sa kanyang tungkulin, at kung bakit hindi niya alam kung gaano kataas ang kanyang tayog. Ni hindi alam ng mga tao kung ilang gramo o ilang liang ang timbang ng kanilang tayog. At sa gayon, niloloko pa rin nila Ako. Parang lahat ng Aking gawain ay nawalan ng kabuluhan, parang ang Aking mga salita ay alingawngaw lamang sa malalaking kabundukan, at wala pang sinumang nakahiwatig sa mga pinag-ugatan ng Aking mga salita at pagbigkas. Ginagamit Ko ito bilang pundasyon upang ibuod ang ikatlong talinghaga: “Hindi Ako kilala ng mga tao, sapagkat hindi nila Ako nakikita.”
3 Umiiyak ang mga tao dahil sa Aking mga salita, at ang kanilang mga pagsamo ay laging naglalaman ng mga hinaing tungkol sa Aking kawalang-puso. Para bang lahat sila ay naghahanap sa Aking tunay na “pagmamahal” sa tao—ngunit paano nila matatagpuan ang Aking pagmamahal sa Aking mababagsik na salita? Dahil dito, lagi silang nawawalan ng pag-asa dahil sa Aking mga salita. Bakit laging nagrereklamo ang mga tao, sa kanilang sinasabi, tungkol sa Akin? Kaya, ibinubuod Ko ang ikaapat na talinghaga para sa buhay ng tao: Katiting lamang ang pagkamasunurin ng mga tao sa Akin, at sa gayon ay lagi silang galit sa Akin.
4 Kapag humihiling Ako sa mga tao, nagugulat sila: Hindi nila kailanman naisip na ang Diyos, na lagi nang naging mabuti ang kalooban at mabait sa loob ng napakaraming taon, ay makapagsasalita ng gayong mga salita, mga salitang walang puso at di-makatwiran, at kaya wala silang masabi. Sa gayong mga pagkakataon, nakikita Ko na minsan pang tumindi ang pagkamuhi sa Akin sa puso ng mga tao, dahil muli na naman nilang sinimulan ang gawain ng pagrereklamo. Lagi silang nagrereklamo laban sa mundo at isinusumpa ang Langit. Gayunman ay wala Akong makitang anuman sa kanilang mga salita na isinusumpa ang kanilang mga sarili, dahil napakalaki ng kanilang pagmamahal sa kanilang mga sarili. Sa gayon, binubuod Ko ang kahulugan ng buhay ng tao: Dahil masyadong minamahal ng mga tao ang kanilang mga sarili, ang kanilang buong buhay ay malungkot at hungkag, at nagdudulot sila ng kapahamakan sa kanilang mga sarili dahil sa kanilang pagkamuhi sa Akin.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob