147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit
Ⅰ
Narito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.
Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.
Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.
Nakita’t nakamtan ko S’ya kaya ako’y mapalad.
Narito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.
Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.
Dunong Niya at pagkamat’wid ay aking mahal.
Nakita’t nakamtan ko S’ya kaya ako ay mapalad.
Puso’t pag-ibig N’ya ako’y nalupig.
Nagmadali akong sundan S’ya, ‘di na naghahanap.
S’ya’y iniibig, kaytamis, magtitiis para sa Kanya.
‘Di ko na Siya maaaring mawala muli, Diyos aking mahal.
Ⅱ
Puso ko ay binigay sa Kanya.
Kabuuan ko’y nabubuhay para sa Kanya.
Ibigin S’ya’t paglingkuran, karangalan ko.
Puso’y wala nang nais, ako’y kuntento na.
Kanyang damdamin at isipan aking iingatan.
Nais ko’y sumaya S’ya at masiyahan.
Naglilingkod ako sa bahay ng Diyos, tungkuli’y tinutupad.
Alayan Siya, hintayin at batiin Siya nang may ngiti.
Puso’t pag-ibig N’ya ako’y nalupig.
Nagmadali akong sundan S’ya, ‘di na naghahanap.
S’ya’y iniibig, kaytamis, magtitiis para sa Kanya.
Siya ay kamtin at ibigin, mabuhay para sa Kanya.