798 Ang Tunay na Pananampalataya ay Nagmumula Lamang sa Pagkilala sa Diyos
I
Gawain ng Diyos ngayo’y magsalita,
wala nang kababalaghan.
‘Di ito’ng Panahon ng Biyaya.
Diyos ay normal at praktikal.
Sa mga huling araw,
‘di Siya’ng kahima-himalang Jesus,
kundi’ng praktikal na nagkatawang-taong Diyos
na ‘di naiiba sa tao.
Paniniwala ng tao sa Diyos
ay dahil sa marami Niyang gawain,
salita at gawa.
Oo, pahayag ng Diyos
ang nagpeperpekto’t lumulupig sa tao.
‘Di tanda’t kababalaghan
ang ugat ng pananalig nila.
Oo, mga gawa ng Diyos
ang nagpapakilala sa tao sa Kanya.
II
Sa bawat panahon, naghahayag ang Diyos
ng iba’t ibang disposisyon,
at parte ng mga gawa Niya.
Mga gawang ‘binubunyag Niya’y
iba-iba ayon sa panahon,
ngunit bigay pa rin
ay malalim na kaalaman sa Kanya,
isang mas praktikal at tunay
na paniniwala sa Diyos.
Paniniwala ng tao sa Diyos
ay dahil sa marami Niyang gawain,
salita at gawa.
Oo, pahayag ng Diyos
ang nagpeperpekto’t lumulupig sa tao.
‘Di tanda’t kababalaghan
ang ugat ng pananalig nila.
Oo, mga gawa ng Diyos
ang nagpapakilala sa tao sa Kanya.
III
Unawain ang realidad at disposisyon Niya
sa pag-alam lang sa aktwal na gawa Niya,
kung pa’no Siya gumawa’t magsalita,
pa’no Niya gamitin ang karunungan
at perpektuhin ang tao.
Unawain kung pa’no Siya gumagawa sa tao’t
ano’ng gusto’t ayaw Niya.
Makatutulong ito sa pag-alam sa tama’t mali,
at sa kaalamang ito ng Diyos,
may pag-unlad sa buhay mo.
Paniniwala ng tao sa Diyos
ay dahil sa marami Niyang gawain,
salita at gawa.
Oo, pahayag ng Diyos
ang nagpeperpekto’t lumulupig sa tao.
‘Di tanda’t kababalaghan
ang ugat ng pananalig nila.
Oo, mga gawa ng Diyos
ang nagpapakilala sa tao sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon