333 Umaasa ang Diyos na Magiging Tapat ang Tao sa Kanyang mga Salita

Hantungan at kapalaran niyo,

tinatanaw nang may importansya.

Iniisip niyo kung ‘di maingat,

kapwa sila mawawasak niyo.

Natatanto niyo ba ang pagsisikap na ginugugol

para sa hantungan niyo’y

walang saysay? Ito’y peke’t huwad.

Yaong gumagawa para sa hantungan

tatanggap ng huling pagkatalo.

Nang dahil sa panlilinlang nila

tao’y bigo sa paniniwala nila.

Ayaw ng Diyos nang sinusuyo o kunyari’y hangaan,

o tratuhin nang may pananabik.

Gusto Niyang katotohanan Niya’y

harapin ng taong tapat

matugunan lahat ng inaasahan Niya.

Gusto Niya ‘pag tao’y nagpapakita ng

pangangalaga’t konsiderasyon sa puso Niya,

‘pag ‘sinusuko ang lahat para sa Kanya.

Sa gan’tong paraan lang gagaan puso ng Diyos.


‘Di Niya nais masaktan ang pusong

aktibong naghahanap ng pag-unlad,

ni bawasan ang sigla upang

tungkulin ay tapat na gawin.

Gayunman papaalalahanan Niya

kayo sa kakulangan ninyo’t

maruming kaluluwang nananahan

sa kaibuturan ng puso niyo.

Umaasa Siyang magagawa ninyong

humarap sa salita Niya nang may totoong puso,

dahil ang pinakakinasusuklaman Niya’y

mga taong nililinlang Siya.

Ayaw ng Diyos nang sinusuyo o kunyari’y hangaan,

o tratuhin nang may pananabik.

Gusto Niyang katotohanan Niya’y

harapin ng taong tapat

matugunan lahat ng inaasahan Niya.

Gusto Niya ‘pag tao’y nagpapakita ng

pangangalaga’t konsiderasyon sa puso Niya,

‘pag ‘sinusuko ang lahat para sa Kanya.

Sa gan’tong paraan lang gagaan puso ng Diyos.


Diyos umaasa sa huling yugtong ‘to,

magsigawa kayo nang mahusay, na kayo’y

lubusang mamintuho. Wag maging walang sigla.

Sana’y hantungan niyo’y mabuti.

Ngunit may hinihingi Siya,

makagawa kayo ng mabuting pasya,

ibigay sa Kanya’ng debosyon niyo.

Ayaw ng Diyos nang sinusuyo o kunyari’y hangaan,

o tratuhin nang may pananabik.

Gusto Niyang katotohanan Niya’y

harapin ng taong tapat

matugunan lahat ng inaasahan Niya.

Gusto Niya ‘pag tao’y nagpapakita ng

pangangalaga’t konsiderasyon sa puso Niya,

‘pag ‘sinusuko ang lahat para sa Kanya.

Sa gan’tong paraan lang gagaan puso ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan

Sinundan: 332 Apat na Kasabihan

Sumunod: 334 Kapag Dumating ang Araw ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

85 Kasama Ka Hanggang Wakas

ⅠNagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.Ginising ng Iyong mga malalambing na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito