331 Kalooban Ba ng Diyos na Mabuhay Ka sa Laman?
1 Ang mga tao ay nilolokong lahat ang Diyos; alam nilang lahat na kailangang uminom ng mas maraming pandagdag sa nutrisyon, ngunit huwag kayong mabalisa dahil sa Diyos—paglilingkod ba ito sa Diyos? Pagmamahal ba ito sa Diyos? Kaya pala ginugugol nila ang buong maghapon na walang pakialam sa mundo, walang ginagawa at walang kibo. Magkagayunman, hindi pa rin nasisiyahan ang ilang tao, at lumilikha sila ng sarili nilang ikalulungkot. Ito ang tinatawag na sobrang pagkasentimental tungkol sa inyong sarili! Ang Diyos ba ang nagpapalungkot sa iyo? Hindi ba ito isang kalagayan ng paghahatid ng pagdurusa sa sarili mo? Wala bang isa man sa mga biyaya ng Diyos ang karapat-dapat na pagmulan ng kaligayahan mo? Sa kabuuan, hindi mo naisaisip ang kalooban ng Diyos, at ikaw ay naging negatibo, sakitin, at malungkot—bakit ganito?
2 Kalooban ba ng Diyos na mabuhay ka sa laman? Wala kang alam tungkol sa kalooban ng Diyos, hindi mapalagay ang kaibuturan ng sarili mong puso, bumubulung-bulong ka at nagrereklamo, at maghapon kang matamlay, at nagdaranas ng sakit at paghihirap ang iyong laman. Hinihiling mong purihin ng iba ang Diyos sa gitna ng pagkastigo, na lumabas sila mula sa pagkastigo, at huwag papigil dito—subalit nahulog ka na rito at hindi na makatakas. Taon ang kailangan para matularan itong “espiritu ng pagsasakripisyo ng sarili.” Kapag nangangaral ka ng mga salita at doktrina, hindi ka ba nahihiya? Kilala mo ba ang sarili mo? Naisantabi mo na ba ang sarili mo? Talaga bang mahal mo ang Diyos? Naisantabi mo na ba ang iyong mga inaasam at kapalaran?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 40