197 Buo ang Pasya Kong Hangaring Mahalin ang Diyos

1 Naisip ko dati na ang ibig sabihin ng pagsusumikap para sa Diyos ay pagmamahal sa Kanya. Bagama’t pinaghahanap ako ng CCP, hindi ako kailanman tumalikod. Tinanggihan ako ng aking pamilya at siniraang-puri ako ng mundo, ngunit nanatili akong handang ilaan ang mga taon ng aking kabataan sa Diyos nang walang reklamo o pagsisisi. Hangga’t maaari akong maitaas sa kaharian ng langit at gantimpalaan, nararapat ang anumang tindi ng pagdurusa at anumang dami ng luha. Nang sumapit ang mga pagsubok at inilantad ang kapangitan ko, ako ay naging negatibo at mahina, at tumangis ako ng mapapait na luha. Sa pagmumuni-muni sa landas na natahak ko sa aking pananampalataya sa Diyos, napagtanto ko sa wakas na kung wala ang realidad ng katotohanan, hindi ako matatag na makatatayo.

2 Ibinunyag sa akin ng mga salita ng Diyos ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, at noon ko lamang nakita kung gaano kalalim ang katiwalian ko. Nagpakapagod at nagtrabaho lamang ako nang may inaasahang kapalit mula sa Diyos; hindi ko talagang inibig ang Diyos, ngunit sa halip sinubukan ko lamang na dayain Siya sa mga pagpapala. Napakamakasarili at mapanlinlang ko, at nawala ko ang aking pagkatao, ngunit ginamit pa rin ng Diyos ang Kanyang mga salita upang hatulan at linisin ako. Nagpapatirapa ako sa harapan ng Diyos sa pagsisisi sa aking mga nagawa, pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat sa Kanyang pag-ibig. Buo ang pasya kong hangaring mahalin ang Diyos at magkaroon ng konsiderasyon sa Kanyang kalooban; hindi na ako gagawa ng mga plano o mag-iisip pa ng anuman tungkol sa aking hinaharap o sa aking kapalaran!

3 Ang pagsasailalim sa mga pagsubok at mga paghihirap ay ginagawang perpekto ang aking pananampalataya. Nakikita kong ang simula ng mga pagsubok ay talagang pagpapala mula sa Diyos. Kahit na maaaring magdusa ang aking laman, natitikman ko ang realidad ng pag-ibig ng Diyos; sa pamamagitan ng pagsasagawa ng katotohanan, nalilinis ang aking katiwalian. Ngayon ay sobrang pinagpala ko na nagagawa kong mahalin ang Diyos at magpatotoo sa Kanya. Ninanais kong tularan si Pedro, at hangaring mahalin ang Diyos nang mas malalim. Tiyak kong si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Kung mauunawaan ko ang katotohanan at makikilala ang Diyos, ang buhay na ito ay hindi pinamuhay nang walang kabuluhan. Ang pagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos ay hindi kailanman magiging kamalian. Ang pag-ibig na walang-hanggan at pagpapasakop sa Diyos ay aking tungkulin.

Sinundan: 196 Minamahal ang Diyos Nang Walang Pagsisisi o Hinaing

Sumunod: 198 Unawain ang Katotohanan at Maging Malaya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito