196 Minamahal ang Diyos Nang Walang Pagsisisi o Hinaing

1 O Diyos! Mapalad ako na muli Kang makatagpo sa buhay na ito. Narinig ko ang tinig Mo, at bumalik sa harapan Mo. Ang bawat pagbigkas Mo, at bawat salitang sinasabi Mo ay umaantig sa puso ko. Ikaw lamang ang nagmamalasakit sa buhay ko; ang sinabi Mo ay nagpaunawa sa akin ng katotohanan. Hinahatulan at inilalantad ng mga salita Mo ang aking katiwalian at paghihimagsik; lubusang kumbinsido, ako ay nagpapatirapa sa harap Mo. Sa pamamagitan ng mga pagsubok, inilantad at nilinis Mo ang aking tiwaling disposisyon, at nauunawaan ko na ngayon ang Iyong mga taimtim na layunin. Tinabasan at iwinasto Mo rin ang aking masamang motibo na gamitin ang pananampalataya para makamit ang mga pagpapala; sa wakas ay natutuhan ko na ngayon kung paano manalig sa Diyos. Napakarami kong nakamtan sa pamamagitan ng Iyong mga salita, at sa pagsailalim sa Iyong gawain ay nagbago ako. Handa akong isakripisyo ang lahat at gugulin ang sarili ko para sa Iyo, para matupad ang aking tungkulin na suklian ang Iyong pag-ibig.

2 O Diyos! Dumating Ka na sa daigdig nang mapagpakumbaba at natatago, ipinapahayag ang mga salitang nagkakaloob ng katotohanan at buhay sa tao. Nagdusa Ka sa pagkondena ng relihiyosong mundo, tinutugis at pinag-uusig ng CCP, at maging sa aming mga maling pagkakaunawa at mga reklamo. Sino ang tunay na nakauunawa ng Iyong mga layunin? Sino ang maaaring makibahagi sa mga kalungkutan at kagalakan Mo? Napakaraming pagpapahiya ang tahimik Mong tiniis habang nagsasalita, nagtatrabaho, at ginagawa ang lahat para iligtas ang sangkatauhan. Pinalambot ng pag-ibig Mo ang aking manhid na puso. Paano pa ako muling magiging mapaghimagsik o negatibo? Bagaman marami pa rin akong mga pagkukulang, dapat kong tuparin ang aking tungkulin para suklian ang Iyong pag-ibig; mamahalin Kita at ilalaan ang aking buong buhay sa Iyo. Susundan ko ang daan Mo para maluwalhati Ka, at wala akong magiging mga pagsisisi o hinaing sa pagmamahal sa Iyo ng buong buhay ko. Umaasa lamang ako na mapanatag ang puso Mo.

Sinundan: 195 Magpapasakop Ako sa mga Pagsasaayos ng Diyos sa Lahat ng Bagay

Sumunod: 197 Buo ang Pasya Kong Hangaring Mahalin ang Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger