773 Handa Ka bang Ibigay sa Diyos ang Pagmamahal na Nasa Puso Mo?

1 Kung ang mga tao ay hindi naghahangad ng anumang mithiin nang naniniwala sa Diyos, walang saysay ang kanilang mga buhay, at kapag dumating ang sandali ng kanilang kamatayan, ang makikita lang nila ay ang asul na kalangitan at ang maalikabok na lupa. Iyan ba ay makabuluhang buhay? Kung kaya mong matupad ang mga hinihingi ng Diyos habang nabubuhay, hindi ba ito isang mainam na bagay? Bakit lagi kang nagdudulot ng gulo sa sarili mo? Sa Aking panata sa Diyos, mayroon lang pangako ng Aking puso. Nais Ko lang na aliwin ang Diyos na iniibig Ko ng Aking puso, upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay maaaring maaliw. Maaaring mahalaga ang puso, nguni’t mas mahalaga ang pag-ibig. Ibibigay Ko ang pinakamahalagang pag-ibig sa Aking puso sa Diyos upang Kanyang matamasa ang pinakamagandang na bagay na mayroon Ako, at upang Siya ay maaaring malugod sa pag-ibig na inihahandog Ko sa Kanya.

2 Handa ka bang ibigay ang iyong pag-ibig sa Diyos upang tamasahin Niya? Handa ka ba na gawin itong puhunan ng iyong pag-iral? Sa Aking mga karanasan, nakita Ko na habang mas higit ang pag-ibig na ibinibigay Ko sa Diyos, mas higit ang nasusumpungan Kong kagalakan sa pamumuhay; bukod pa rito, walang limitasyon sa Aking kalakasan, at magalak Kong inihahandog ang Aking buong katawan at isipan, at laging nadarama na hindi maaaring maibig Ko nang sapat ang Diyos. Kung tunay na nais mong ibigin ang Diyos, palagi kang magkakaroon ng higit pang pag-ibig na maisusukli sa Kanya—at kung gayon, sinong tao at anong bagay ang maaaring maging hadlang sa iyong pag-ibig para sa Diyos? Itinatangi ng Diyos ang pag-ibig ng bawa’t tao. Sa lahat ng umiibig sa Kanya, muling dinoble ang Kanyang mga pagpapala, sapagka’t ang pag-ibig ng tao ay napakahirap makuha, at napakakaunti lang nito.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … 3

Sinundan: 772 Habang Lalo Mong Pinalulugod ang Diyos, Lalo Kang Pagpapalain

Sumunod: 774 Ang mga Pagpapahayag ni Pedro ng Pag-ibig sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito