49 Ang Kalangitan Dito’y Labis Ang Pagka-asul
Ⅰ
Narito ang kalangitan, kalangitang labis na kakaiba!
Mabangong halimuyak na nanunuot sa buong bayan,
at sariwang hangin.
Makapangyarihang Diyos naging tao
at nabubuhay kapiling natin,
pinahahayag ang katotohanan,
sinisimulan ang mga huling araw ng paghatol.
Mga salita ng Diyos binubunyag
ang katotohanan ng ating kasamaan.
Tayo’y nililinis at nililigtas
sa bawat uri ng pagsubok at pagpipino.
Ⅱ
Binabago ang ating pananaw, pinapalitan ang luma ng bago,
kami’y nagpapaalam, paalam sa aming masamang buhay.
Kami’y kumikilos at nagsasalita ayon sa prinsipyo,
salita ng Diyos ay naghahari sa amin.
Ang alab ng aming pag-ibig sa Diyos
ay nagniningas sa aming puso.
Ikinakalat namin ang salita ng Diyos at sumasaksi sa Kanya,
pinapalaganap ang ebanghelyo ng kaharian.
Lahat sa atin ihinahandog para bigyang-kasiyahan ang Diyos,
at handa kaming magdusa ng pasakit.
Salamat sa Makapangyarihang Diyos
na binabago ang ating tadhana.
Kami’y ngayon ay may bagong buhay
at sinasalubong ang bagong bukas!
Salita ng Diyos ay nagpapakita ng Kanyang kapangyarihan,
lumulupig at gumagawa ng mananagumpay.
Mga pinili ng Diyos manumbalik,
mula sa lahat ng bansa sa Kanyang harap.
Bayan ng Diyos nabubuhay kapiling N’ya,
S’ya ay pinupuri at sinasamba nang walang hanggan.
Ang kalooban ng Diyos ay naisakatuparan,
ang kaharian ni Cristo ay naisakatuparan sa mundo.
Ang kabanalan at katuwiran ng Diyos ay ipinakita,
langit at lupa ay pinaninibago.
May takot sa Diyos, ang mga tao sa Kanyang kaharian
tinatalikuran masama’t namumuhay sa kaliwanagan.
Ⅲ
Kapag ang magkakapatid ay nagtitipon,
ang kaligayahan ay hayag sa kanilang mga mukha.
Nagbabasa ng salita ng Diyos at ibinabahagi ang katotohanan,
tayo ay binubuklod ng pag-ibig ng Diyos.
Simple at bukas, tayo’y tapat at walang kinikilingan.
Tayo ay namumuhay ayon sa katotohanan, nag-iibigan sa isa’t isa.
At natututo sa kalakasan ng bawat isa,
nagsisisi tayo sa kasalanan at maling gawa.
Nagkakaisa, tinutupad natin mga tungkulin
at inaalay ating debosyon.
Sa daan patungo sa kaharian,
akay tayo ng salita ng Diyos hanggang malagpasan ating problema.
Salita ng Diyos ay nagpapakita ng Kanyang kapangyarihan,
lumulupig at gumagawa ng mananagumpay.
Mga pinili ng Diyos manumbalik,
mula sa lahat ng bansa sa Kanyang harap.
Bayan ng Diyos nabubuhay kapiling N’ya,
S’ya ay pinupuri at sinasamba nang walang hanggan.
Ang kalooban ng Diyos ay naisakatuparan,
ang kaharian ni Cristo ay naisakatuparan sa mundo.
Ang kabanalan at katuwiran ng Diyos ay ipinakita,
langit at lupa ay pinaninibago.
May takot sa Diyos, ang mga tao sa Kanyang kaharian
tinatalikuran masama’t namumuhay sa kaliwanagan.
Narito ang langit, isang kakaibang langit!