198 Unawain ang Katotohanan at Maging Malaya
1 Sa maraming taon kong paniniwala sa Panginoon, mga salita at doktrina lamang ang binigkas ko, kumapit sa mga patakaran, at nagsagawa ng mga seremonya ng relihiyon. Bawat panalangin ko’y hungkag na pagyayabang; hindi ko kailanman binigkas nang malakas ang aking mga pinakatatagong saloobin sa Diyos. Hindi ko hinangad ang katotohanan nang binasa ko ang Kanyang mga salita. Hindi ko kayang pagnilayan ang kalooban ng Diyos. Inisip ko na ang pagsasaulo ng napakaraming bantog na bersikulo at kasabihan mula sa Biblia ay nangahulugan na taglay ko ang realidad ng katotohanan. Nagtuon lamang ako sa pagtigil sa pagsisinungaling; sa gayon, inisip kong matapat ako. Walang pagod at masaya akong nagtrabaho sa maraming taon upang makapasok ako sa kaharian ng langit at magantimpalaan. Mapalad ako na tinawag ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos; narinig ko ang Kanyang tinig at nagbalik ako sa harapan Niya. Naunawaan ko ang maraming katotohanan mula sa Kanyang mga salita, at namasdan ko ang pagpapakita at gawain Niya.
2 Bigla akong ginising ng paghatol ng mga salita ng Diyos at napagtanto ko na ang paghanap sa katotohanan ay umaayon sa Kanyang kalooban. Kung naniniwala ako sa Diyos pero hindi sumasailalim sa Kanyang pagkastigo at paghatol, ang aking tiwaling disposisyon ay hindi makakapagbago. Kung hindi ko kilala ang Diyos, at walang paggalang sa Kanya, ang mabuti kong pag-uugali ay isang pagkukunwari lamang. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi malalabag ng tao, at ang pangarap ng mapanlinlang na tao na pumasok sa kaharian ay isang panaginip lamang. Nagpasya akong isagawa at danasin ang mga salita ng Diyos, makamit ang katotohanan at maalis ang aking katiwalian. Sa lahat ng bagay, hinahangad at isinasagawa ko na ngayon ang katotohanan; sa kaibuturan ng aking puso, nakapahinga ako at payapa. Buong katapatan kong ginagampanan ang aking tungkulin, at masayang naglilingkod sa Diyos; hindi ako humihingi ng mga pagpapala, kundi para mahalin ko lamang ang Diyos. Ngayong nauunawaan ko na ang katotohanan, hindi na ako kumakapit sa mga patakaran; sa pamumuhay sa harapan ng Diyos, ako ay pinalaya.