986 Maaaring Sirain ng Laman ang Iyong Hantungan

1 Kung tunay na nakikita nang malinaw ng mga tao ang tamang landas ng pantaong buhay, pati na rin ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi nila panghahawakan ang kanilang indibidwal na kinabukasan at kapalaran bilang isang kayamanan sa kanilang puso. Hindi na nila kung gayon nanaising magsilbi sa kanilang mga magulang, na mas masahol pa sa mga baboy at mga aso. Silang lahat ay dapat na magkaroon ng lubusang pagkatarok sa kung ano ang dapat nilang pasukin, at sa partikular, dapat nilang uriin kung ano ang dapat na mapasok sa panahon ng kapighatian, at kung ano ang dapat na maisangkap sa kanila sa panahon ng pagsubok ng apoy. Huwag palaging pagsilbihan ang iyong laman na katulad ng mga baboy at mga aso at mas masahol pa sa mga langgam at mga insekto. Ano ang punto ng paghihirap para rito, pag-iisip nang sobra, at pagpapahirap sa iyong utak?

2 Ang laman ay hindi sa iyo, kundi nasa mga kamay ng Diyos, na hindi lamang kumokontrol sa iyo kundi nag-uutos din kay Satanas. Ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng pagpapahirap ng laman—subali’t ang laman ba ay sa iyo? Ito ba ay nasa ilalim ng iyong kontrol? Bakit ka nag-aabalang pahirapan ang iyong utak dahil dito? Bakit ka nag-aabalang patuloy na magsumamo sa Diyos alang-alang sa iyong bulok na laman, na matagal nang nahatulan, isinumpa, at nadungisan ng maruruming espiritu? Bakit mo kailangang palaging panatilihin ang mga kasamahan ni Satanas na napakalapit sa iyong puso? Hindi ka ba nag-aalala na maaaring sirain ng laman ang iyong tunay na kinabukasan, ang iyong magagandang inaasahan, at ang tunay na hantungan ng iyong buhay?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan

Sinundan: 985 Hindi Ba Kayang Isantabi ng Tao ang Kanilang Laman sa Maikling Panahong ito?

Sumunod: 987 Hangaring Maging Pagpapahayag ng Kaluwalhatian ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito