566 Pinagpapala ng Diyos Yaong Tapat
Ⅰ
Pag ‘binibigay mo ‘yong puso sa Diyos lang
at ‘di magbulaan sa Kanya,
pag ‘di mo kailanman ginagawa ang panlilinlang
sa mga nasa itaas mo o sa ibaba,
kapag ikaw ay bukas sa Diyos sa lahat ng bagay,
kapag ‘di mo ginagawa ang mga bagay para lang
sarili’y magmagaling sa Diyos, ito’y pagiging tapat.
Katapata’y pagtakbo mula sa karumihan
sa bawat salita’t gawa,
kapag ‘di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Katapata’y pagtakbo mula sa
karumihan sa bawat salita’t gawa,
kapag ‘di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Ito ang katapatan, ito ang katapatan.
Ⅱ
Kung ‘yong salita’y puno ng pagdadahilan,
puno ng mga walang kabuluhang paliwanag,
kung gayon ay ‘di mo isinasagawa
ang katotohanan, hindi mo nais na gawin ito.
Pa’no mo makikita ang liwanag at kaligtasan,
kung ‘di mo nilalabas ang iyong mga lihim?
Ngunit kung gusto mong hanapin ang daan
sa katotohanan, ikaw ay mamumuhay sa liwanag.
Katapata’y pagtakbo mula sa karumihan
sa bawat salita’t gawa,
kapag ‘di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Katapata’y pagtakbo mula sa karumihan
sa bawat salita’t gawa,
kapag ‘di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Ito ang katapatan, ito ang katapatan.
Ⅲ
Kung handa kang maglingkod sa bahay ng Diyos,
masipag, at ‘di nagnanais ng pakinabang,
kung gayon ikaw ay tapat na santo ng Diyos
dahil ikaw ay naghahangad lang na maging tapat.
Kung ikaw ay prangka, maibibigay
ang ‘yong buhay upang masaksihan ang Diyos,
kung nais mo lang na mapalugod S’ya’t
di mo iniisip ‘yong sarili,
mapapalaki ka sa liwanag at
mabubuhay sa kaharian magpakailanman.
Katapata’y pagtakbo mula sa karumihan
sa bawat salita’t gawa,
kapag ‘di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Katapata’y pagtakbo mula sa karumihan
sa bawat salita’t gawa,
kapag ‘di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Ito ang katapatan, ito ang katapatan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala