80 Ang Kahihinatnan ng Pag-iwas sa Paghatol
Ⅰ
Ang paghatol ba’t katotohana’y nauunawaan mo?
Kung gayon, payo ng Diyos
ay sumailalim ka sa paghatol.
Kung hindi, hindi ka mapapapurihan ng Diyos,
o madadala Niya sa Kanyang kaharian.
Hindi patatawarin ng Diyos
ang taksil na nagsasabing
tapat sa Kanya ngunit nagtaksil.
Maparurusahan ang mga ganito
sa kanilang espiritu, kaluluwa’t katawan.
Di ba ‘to paghahayag ng katuwiran ng Diyos,
ng layunin N’yang hatula’t ihayag ang tao?
Ⅱ
Sila na tumatanggap lang ng paghatol
ngunit hindi kailanman nadadalisay,
sila na tumatakas sa gawaing paghatol
ay magpakailanmang tinatanggihan ng Diyos.
Mas makasalanan sila kaysa sa mga Fariseo.
Dahil ipinagkanulo nila at nilalabanan ang Diyos.
Sila na hindi karapat-dapat kahit para magsilbi,
ay mas malalang parurusahan
na tatagal magpakailanman.
Hindi patatawarin ng Diyos ang taksil
na nagsasabing tapat sa Kanya ngunit nagtaksil.
Maparurusahan ang mga ganito
sa kanilang espiritu, kaluluwa’t katawan.
Di ba ‘to paghahayag ng katuwiran ng Diyos,
ng layunin N’yang hatula’t ihayag ang tao?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan