987 Hangaring Maging Pagpapahayag ng Kaluwalhatian ng Diyos

1 Lahat ng may laman at dugo ay ginagabayan ng Diyos, subalit nabubuhay rin sa pagkaalipin kay Satanas, kaya nga hindi kailanman nagkaroon ang mga tao ng normal na kaugnayan sa isa’t isa, maging ito man ay dahil sa pagnanasa, o pagsamba, o mga pagsasaayos ng kanilang kapaligiran. Ang gayong abnormal na mga kaugnayan ang pinaka-kinamumuhian ng Diyos sa lahat, kaya nga dahil sa gayong mga kaugnayan kaya lumalabas mula sa bibig ng Diyos ang sumusunod na mga salita: “Ang nais Ko ay mga nilalang na may buhay na puno ng sigla, hindi mga bangkay na nakalubog na sa kamatayan. Dahil nakasandal Ako sa mesa ng kaharian, uutusan Ko ang lahat ng tao sa lupa na tanggapin ang Aking pagsisiyasat.”

2 Kapag ang Diyos ay nasa ibabaw ng buong sansinukob, bawat araw ay minamasdan Niya ang bawat kilos ng mga may laman at dugo, at hindi Niya nakaligtaan kailanman ang kahit isa sa kanila. Ito ang mga gawa ng Diyos. Kaya nga, hinihimok Ko ang lahat ng tao na siyasatin ang sarili nilang mga kaisipan, ideya, at kilos. Hindi Ko hinihiling na maging isang tanda ka ng kahihiyan sa Diyos, kundi maging isang pagpapakita ng kaluwalhatian ng Diyos, na sa lahat ng inyong mga kilos, salita, at buhay, hindi kayo maging tampulan ng mga patawa ni Satanas. Ito ang mga kahilingan ng Diyos sa lahat ng tao.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 20

Sinundan: 986 Maaaring Sirain ng Laman ang Iyong Hantungan

Sumunod: 988 Ang Maniwala sa Diyos ngunit Hindi Magtamo ng Buhay ay Humahantong sa Kaparusahan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito