985 Hindi Ba Kayang Isantabi ng Tao ang Kanilang Laman sa Maikling Panahong ito?
Kapag dumating ang init ng tagsibol at namukadkad ang mga bulaklak, kapag lahat ng nasa silong ng kalangitan ay luntian at lahat ng bagay sa lupa ay nasa lugar, unti-unting papasok ang lahat ng tao at bagay sa pagkastigo ng Diyos, at sa panahong iyan lahat ng gawain ng Diyos sa lupa ay magwawakas. Hindi na gagawa o maninirahan ang Diyos sa lupa, sapagkat ang dakilang gawain ng Diyos ay natupad na. Wala bang kakayahan ang mga tao na isantabi ang kanilang laman sa maikling panahong ito? Anong mga bagay ang makakasira sa pagmamahalan sa pagitan ng tao at ng Diyos? Sino ang makapaghihiwalay sa pagmamahalan sa pagitan ng tao at ng Diyos? Ang mga magulang ba, mga asawang-lalaki, magkakapatid na babae, mga asawang-babae, o ang masakit na pagpipino? Mapapawi ba ng mga damdamin ng konsiyensya ang larawan ng Diyos sa kalooban ng tao? Sariling kagagawan ba ng mga tao ang pagkakautang at mga kilos nila tungo sa isa’t isa? Malulunasan ba ng tao ang mga iyon? Sino ang makakaprotekta sa kanilang sarili? Natutustusan ba ng mga tao ang kanilang sarili? Sino ang malalakas sa buhay? Sino ang nagagawang iwan Ako at mabuhay sa kanilang sarili? Paulit-ulit, bakit hinihingi ng Diyos na isagawa ng lahat ng tao ang gawaing pagsusuri-sa-sarili? Bakit sinasabi ng Diyos na, “Kaninong paghihirap ba ang naiplano ng sarili nilang kamay?”
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 24 at 25