224 Ang mga Hindi Tumatanggap sa Katotohanan ay Hindi Karapat-dapat sa Kaligtasan
I
Sa pakikinig ng katotohanan at salita ng buhay,
maaari mong isipin na isang salita lamang
sa libu-libong salita na ‘to
ang tunay na tumutugma
sa ‘yong iniisip at sa Bibliya.
Maghanap sa ika-10,000 ng mga salita.
Payo ng Diyos na maging mapagpakumbaba,
huwag masyadong magtiwala sa sarili,
at huwag itaas ang sarili.
‘Di ba’t ika’y ‘di karapat-dapat
sa pagliligtas ng Diyos
kung ‘di mo matanggap
ang katotohanang malinaw na ipinahayag?
‘Di ba’t ‘di ka sapat na mapalad
na muling makabalik
sa harap ng trono ng Diyos?
II
Taglay kaunting paggalang sa Diyos
higit na liwanag ang iyong makakamit.
Kung iyong suriin at pag-isipan
ang mga salitang ito,
makikita kung ito nga’y katotohanan,
kung ito’y buhay.
‘Wag pikit-matang husgahan ang salita ng Diyos
dahil sa mga huwad na Cristo
sa mga huling araw.
‘Wag lapastanganin ang Banal na Espiritu
dahil sa takot mong mailigaw.
‘Di ba’t ika’y ‘di karapat-dapat
sa pagliligtas ng Diyos
kung ‘di mo matanggap
ang katotohanang malinaw na ipinahayag?
‘Di ba’t ‘di ka sapat na mapalad
na muling makabalik
sa harap ng trono ng Diyos?
III
Pagkalipas ng iyong pagsasaliksik at pag-aaral,
kung sa tingin mo ang mga salitang ito’y
hindi ang katotohanan,
ang daan, o pagpapahayag ng Diyos,
ika’y paparusahan,
ang pagpapala sa ‘yo’y mawawala.
‘Di ba’t ika’y ‘di karapat-dapat
sa pagliligtas ng Diyos
kung ‘di mo matanggap
ang katotohanang malinaw na ipinahayag?
‘Di ba’t ‘di ka sapat na mapalad
na muling makabalik
sa harap ng trono ng Diyos?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa