225 Ang Ugat ng Paglaban ng mga Pariseo kay Jesus
Alam niyo ba ang diwa ng mga Pariseo?
At ang ugat ng paglaban nila kay Jesus?
Ito ay dahil pagdating sa Mesiyas,
mga isip nila’y puno ng pantasya.
I
Bukod pa rito, mga Pariseo’y naniwala lang
na ang Mesiyas ay dadating,
ngunit ‘di nila hangad ang katotohanan ng buhay.
Pati ngayon naghihintay sila sa Mesiyas,
‘pagkat ‘di nila alam ang daan ng buhay,
at walang alam sa daan ng katotohanan.
Sa tingin niyo ba’y mga taong mangmang,
hangal, matigas ang ulo’y
matatamo’ng biyaya ng Diyos?
Pa’no mamamasdan ng mga taong ito
ang Mesiyas?
II
Ang dahilan ng paglaban nila kay Jesus
ay wala silang ideya
sa gawain at direksyon ng Banal na Espiritu
at ang daan ng katotohanang binanggit ni Jesus
ay ganap na ‘di nila alam,
at ang Mesiyas ay ‘di nila maunawaan.
Dahil ‘di pa nila nakita o nakasama ang Mesiyas,
nagkamali silang kumapit sa pangalan Niya lang,
kinakalaban ang diwa Niya
sa anumang posibleng paraan.
Mga Pariseo’y ‘di sumunod sa katotohanan,
diwa nila’y mayabang at matigas ang ulo.
Prinsipyo ng paniniwala nila sa Diyos ay:
‘Di mahalaga kung ga’no kalalim
ang pangangaral,
o ang antas ng awtoridad Mo;
kung ‘di ka pinangalanang “Mesiyas,”
‘di Ka si Cristo.
III
‘Di ba ‘to katawa-tawang paniniwala?
Gagawin ba ninyo ang kamalian ng mga Pariseo,
yamang ‘di niyo nauunawaan ni katiting si Jesus?
Ika’y makakakilala ba sa daan ng katotohanan?
Sigurado bang ‘di mo lalabanan si Cristo?
Kaya mo bang sundan
ang gawain ng Banal na Espiritu?
Kung ‘di mo alam kung lalabanan mo si Cristo,
ayon sa sinasabi ng Diyos, ika’y
nabubuhay na sa bingit ng kamatayan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa