85 Kasama Ka Hanggang Wakas

Nagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,

pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.

Ginising ng Iyong mga malalambing na salita,

nakikita ko ang pagbanaag ng liwanag.

Tinatanggap ko ang paghatol ng Iyong mga salita.

Nakikita kong ako ay lubhang masama.

Sa paglilimi ng aking sariling mga gawi,

lahat ito’y pagpapahayag ng aking masamang disposisyon.

Pag kasama Ka, walang takot sa pasakit ni Satanas,

o ng kalungkutang dala ng gabi.

Pag kasama Ka, ‘di ako takot humarap sa panganib,

o mga hirap sa paglalakbay.

Pagkaraan ng mabatong mga landas ng kaguluhan,

malugod kong tinatanggap ang maayang kinabukasan.


Lumulupaypay ako sa matinding pagsisisi,

nagpapasalamat na ako ay iniligtas.

Ang dakilang awa na Iyong ipinamalas,

magpahintulot sa aking maglakbay.

Kapag nalalayo, tinatawag ako ng Iyong mga salita.

Iniingatan Mo ako sa pasakit, ako’y ligtas.

Naghihimagsik ako, at Ikaw ay nagtatago.

Sa gayon bumabagsak ako sa matinding sakit.

Kapag bumabalik ako, ipinakikita Mo ay kabaitan,

ngumingiti Ka, niyayakap ako.

Kapag si Satanas ay nananakit at nanunugat,

ang init Mo’y nagpapagaling, umaaliw sa akin.

Kapag nahulog ako sa kamay ng diyablo,

nakikihati Ka sa aking paghihirap at sakit.

Naniniwala akong malapit na ang bukang-liwayway,

magiging asul muli ang langit.

Pag kasama Ka, walang takot sa pasakit ni Satanas,

o ng kalungkutang dala ng gabi.

Pag kasama Ka, di ako takot humarap sa panganib,

o mga hirap sa paglalakbay.

Pagkaraan ng mabatong mga landas ng kaguluhan,

malugod kong tinatanggap ang maayang kinabukasan.


Ang mga salita Mo ang aking buhay, aking Panginoon.

Ninanamnam ko ang mga salita Mo araw-araw.

Kapag nililigiran ako ni Satanas.

Ang mga salita Mo’y nagbibigay sa akin ng karunungan at lakas.

Kapag ako’y nagdurusa o kapag ako’y nabibigo,

ang mga salita Mo’y umaakay

sa aking tumawid sa mahihirap na kapanahunan.

Kapag ako’y nalulumbay o nanghihina,

ang mga salita Mo’y nagbibigay-buhay

at mga panustos na kailangan.


Kapag ako’y dumaraan sa mga pagsubok,

ang mga salita Mo’y gumagabay sa aking maging saksi.

Nabubuhay ako’t kinakausap Ka,

walang anumang puwang sa ating pagitan.

Pag kasama Ka, walang takot sa pasakit ni Satanas,

o ng kalungkutang dala ng gabi.

Pag kasama Ka, ‘di ako takot humarap sa panganib,

o mga hirap sa paglalakbay.

Pagkaraan ng mabatong mga landas ng kaguluhan,

malugod kong tinatanggap ang maayang kinabukasan,

ang maayang kinabukasan. Pag kasama Ka.

Sinundan: 84 Gusto Kong Mahalin ang Diyos Nang Mas Malalim

Sumunod: 86 Ang Makapangyarihang Diyos ang Nagmamahal sa Akin

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger