223 Ang Inyong Saloobin sa Katotohanan ay Mahalaga
I
Ang katapatan niyo ay salita lang,
kaalaman niyo ay bunga ng isipan lang,
pagpapagal niyo ay upang makamit
ang biyaya ng langit.
Paano kayo mananampalataya?
Kahit ngayon, nagbibingi-bingihan pa rin kayo
sa bawat salita ng katotohanan.
Ang naniniwala sa Diyos dahil sa mga tanda
ay tiyak na daranas ng pagkawasak.
Ang ‘di matanggap salita
ni Jesus na muling nagkatawang-tao
ay tiyak na anak ng impiyerno,
mga inapo ng arkanghel,
daranas ng pagkawasak na walang-hanggan.
II
Hindi niyo alam kung ano ang Diyos,
hindi niyo alam kung ano si Cristo,
kung paano igalang si Jehova,
o pumasok sa gawa ng Banal na Espiritu.
‘Di niyo kayang tukuyin ang gawa Niya
at panlilinlang ng tao,
sa halip hinuhusgahan katotohanan Niyang
hindi tugma sa kaisipan niyo.
Kapakumbabaan mo ay nasaan?
Ang iyong katapatan at pagsunod?
Hangarin mo para sa katotohanan?
Paggalang mo sa Diyos?
Ang naniniwala sa Diyos dahil sa mga tanda
ay tiyak na daranas ng pagkawasak.
Ang ‘di matanggap salita ni Jesus
na muling nagkatawang-tao
ay tiyak na anak ng impiyerno,
mga inapo ng arkanghel,
daranas ng pagkawasak na walang-hanggan.
Ang naniniwala sa Diyos dahil sa mga tanda
ay tiyak na daranas ng pagkawasak.
Ang ‘di matanggap salita ni Jesus
na muling nagkatawang-tao
ay tiyak na anak ng impiyerno,
mga inapo ng arkanghel,
daranas ng pagkawasak na walang-hanggan.
Woah, woah, walang hanggan! Walang hanggan!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa