226 Umiiral ba ang Trinidad?
I
Kung sabi mong umiiral ang Trinidad,
ipaliwanag mo ano’ng
“isang Diyos sa tatlong persona”.
Ano ang Banal na Ama? At ano ang Anak?
Ano ang Banal na Espiritu?
Si Jehova ba’ng Banal na Ama?
Si Jesus ba ang Anak?
Sino’ng Banal na Espiritu?
‘Di ba’ng Ama’y isang Espiritu?
‘Di ba’ng diwa ng Anak ay Espiritu?
‘Di ba gawain ni Jesus ay sa Banal na Espiritu?
At kay Jehova’y ginawa ng Espiritu
tulad ng kay Jesus na ginawa rin ng Espiritu?
Ilang Espiritu’ng maitataglay ng Diyos?
II
Ayon sa’yong paliwanag, tatlong persona
ng Ama, Anak, Espiritu Santo’y iisa.
Kung ito’y tunay, mayroong tatlong Espiritu,
ngunit ibig sabihin nito’y may tatlong Diyos.
Ibig sabihin walang isang tunay na Diyos.
Pa’no magkakaro’n ng diwa ng Diyos
ang gan’tong Diyos?
Kung tanggap mong iisa lang ang Diyos,
pa’no Siya magkakaro’n
ng anak at maging ama?
‘Di ba kuru-kuro mo lang ang mga ‘to?
May iisang Diyos lang,
isang persona sa Diyos,
at may isang Espiritu lang ng Diyos,
tulad ng nasusulat sa Biblia:
“Iisa lang ang Banal na Espiritu at Diyos.”
III
Kung mayroon mang Ama at Anak,
iisa lang naman pala ang Diyos.
Diwa ng tatlong pinaniniwalaan niyo’y
diwa ng Banal na Espiritu.
Siya’y Espiritung maa’ring maging tao,
mamuhay sa tao, mangibabaw sa lahat.
Siya’y kahit saan, sakop ang lahat.
Kaya Niyang punan ang kosmos
nang nasa katawang-tao.
May iisang Diyos lang,
isang persona sa Diyos,
at may isang Espiritu lang ng Diyos,
tulad ng nasusulat sa Biblia:
“Iisa lang ang Banal na Espiritu at Diyos.”
Dahil sabing Diyos lang
ang nag-iisang tunay na Diyos,
kaya may iisang ‘di nahahating Diyos!
Diyos ay iisang Espiritu lang, isang persona,
at ‘yon ang Espiritu ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Umiiral Ba ang Trinidad?