227 Ang Biblia ba’y Ibinigay sa Pamamagitan ng Inspirasyon ng Diyos?
Paniwala ng tao ngayo’y iisa ang Diyos at Biblia,
at lahat ng salita sa Biblia
ay tanging salita na sinabi ng Diyos,
at lahat ito’y sinabi ng Diyos.
I
Iniisip pa ng mga naniniwala sa Diyos na
bagama’t Luma’t Bagong Tipa’y isinulat ng tao,
mga ito’y galing sa inspirasyon ng Diyos
at salita’ng itinala ng Espiritu.
Ito’y maling pang-unawa ng tao
at hindi naaayon sa tunay na pangyayari.
Sa katunayan, ‘liban sa mga aklat ng propesiya,
karamihan sa Lumang Tipan
ay talaan ng kasaysayan.
Ilan sa sulat sa Bagong Tipa’y
karanasan ng mga tao;
ang ilan ay sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu.
Malaking pagkakamali at kalapastangan
na tratuhin ang mga talaan at sulat ng tao
bilang salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia.
II
Ang sulat ni Pablo’y nagmula sa gawain ng tao,
mula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu.
Isinulat para sa iglesia,
upang maghikayat, magpayo sa mga kapatid.
‘Di ito salita ng Banal na Espiritu.
‘Di makapagsalita si Pablo sa ngalan ng Espiritu.
‘Di n’ya nakita’ng pangitain ni Juan
at ‘di siya propeta.
Ang sulat ay para sa iglesia
ng kanyang panahon.
Salita niyang positibo’t nagpapatibay
sa tao lahat ay tama,
nguni’t ‘di maaaring katawanin ang Diyos
o binigkas ng Banal na Espiritu.
Malaking pagkakamali at kalapastangan
na tratuhin ang mga talaan at sulat ng tao
bilang salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia.
Para sa mga iglesia.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 3