156 Ipinapahayag ni Cristo Kung Ano ang Espiritu

I

Alam ni Cristo ang diwa ng tao,

inihahayag ang lahat ng ginagawa ng tao,

lalo na ang tiwaling disposisyon ng tao

at pagkasuwail nila.

Makamundo’y ‘di Niya kapiling,

ngunit batid kanilang katiwalian.

Ganyan kung ano Siya.

Kahit ‘di nakikibahagi sa mundo,

alam Niya ang patakaran doon.

Kilala Niya ang tao at ang kanilang kalikasan.


II

Alam Niya ang gawain ng Espiritu

ngayon maging ang noon,

‘di lang nakikita ng tao, ‘di lang nila naririnig.

Mga himalang ‘di nauunawaan,

karunungang ‘di pilosopiya.

Ganyan kung ano Siya, hayag at tago sa tao.

Pagpapahayag Niya’y ‘di sa espesyal na tao,

kundi ang pagiging Diyos at

katangian ng Espiritu.


III

‘Di Niya nilalakbay ang mundo,

ngunit alam na alam ito.

Nakakasama ang mga walang alam,

ngunit salita Niya’y higit sa lahat.

Kapiling Niya’y mga mangmang at manhid,

na ‘di alam kung paano mamuhay.

Ngunit mahihiling Niya sa kanila na isabuhay

ang tunay na buhay ng tao,

inihahayag na napakababa nila!

Ganyan kung ano Siya,

nakahihigit sa mga may dugo’t laman.

Paghatol ay ‘di ayon sa Kanyang karanasan.

Pagkaalam, pagkamuhi sa pagsuway ng tao,

kasamaan nila’y inihahayag.

Ang gawain Niya’y naghahayag

ng Kanyang disposisyon at pagiging Diyos.

Si Cristo lang ang makagagawa n’yan, oh.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao

Sinundan: 155 Iisa ang Diwa ng Katawang-tao ng Diyos at ng Espiritu

Sumunod: 157 Ang Nagkatawang-taong Anak ng Tao’y Diyos Mismo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito