766 Ang Kasabihan ng mga Nagmamahal sa Diyos
1 Hanggang sa araw na ito, hindi pa rin alam ng maraming tao ang gawain na tutuparin ng Diyos sa mga huling araw, o kung bakit nagtiis ang Diyos ng matinding kahihiyan upang magkatawang-tao at tumayong kasama ng tao sa hirap at ginhawa. Mula sa mithiin ng gawain ng Diyos hanggang sa layunin ng plano ng Diyos para sa mga huling araw, ganap na nangangapa sa dilim ang tao tungkol sa mga bagay na ito. Lagi nang maligamgam at walang katiyakan ang mga tao tungkol sa pagpasok na hinihingi ng Diyos sa kanila, na nagdulot na ng sukdulang paghihirap sa gawain ng Diyos sa katawang-tao. Tila ba naging mga balakid ang lahat ng tao at, hanggang sa araw na ito, wala pa rin silang kalinawan. Dahil dito, sa palagay Ko ay dapat nating pag-usapan ang tungkol sa gawain na ginagawa ng Diyos sa tao, at ang agarang intensyon ng Diyos, upang lahat kayo ay maging tapat na mga lingkod ng Diyos, gaya ni Job, na mas nanaisin pang mamatay kaysa tanggihan ang Diyos, tinitiis ang bawa’t kahihiyan; at na, gaya ni Pedro, mag-aalay ng buong katauhan sa Diyos at maging mga kaniig na nakamit ng Diyos sa mga huling araw.
2 Nawa’y maibigay ng lahat ng kapatirang lalaki at babae ang buong makakaya nila at ialay ang kanilang buong katauhan sa makalangit na kalooban ng Diyos, maging mga banal na lingkod sa bahay ng Diyos, at tamasahin ang pangako ng kawalang-hanggan na ipinagkaloob ng Diyos, upang maaaring matamasa ng puso ng Diyos Ama ang mapayapang kapahingahan sa lalong madaling panahon. “Tuparin ang kalooban ng Diyos Ama” ang dapat maging salawikain ng lahat ng umiibig sa Diyos. Dapat magsilbing gabay ng tao ang mga salitang ito sa pagpasok at kompas na gumagabay sa kanyang mga pagkilos. Ito ang pagpapasiyang dapat taglayin ng tao. Upang lubusang tapusin ang gawain ng Diyos sa lupa at makipagtulungan sa gawain ng Diyos sa katawang-tao—ito ang tungkulin ng tao, hanggang isang araw, kapag tapos na ang gawain ng Diyos, may kagalakang magpapaalam sa Kanya ang tao sa maaga Niyang pagbabalik sa Ama sa langit. Hindi ba ito ang responsibilidad na dapat tuparin ng tao?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 6