765 Sumailalim sa Gawain ng Diyos Upang Matuklasan ang Kanyang Pagiging Kaibig-ibig

Diwa ng Diyos, ‘di lamang para paniwalaan,

kundi para ibigin ng tao.

Ngunit sa maraming nananalig sa Diyos, ito’y ‘di pa batid.

Kariktan ng Diyos, nahahayag sa Kanyang gawain,

na matutuklasan lamang ng tao

‘pag nasaksihan nila sa personal na karanasan.

Kariktan ng Diyos, dama ‘pag naranasan.

Kung hindi ito tunay na nakikita, ‘di ‘to matutuklasan.

‘Di nangangahas ang tao na ibigin ang Diyos,

ni sinusubukang gawin ‘to.

‘Di pa nila natuklasan na kaibig-ibig ang Diyos

o na mahal Niya ang tao, Siya’ng Diyos na dapat ibigin.

Sa Diyos kayraming mamahalin.

‘Di ‘yon nakikita ‘pag ‘di Siya nakapiling.

Pagdating ng Diyos sa mundo,

gawa’t kariktan Niya makikita ng tao,

at tunay at normal Niyang disposisyon.

Lahat ng ‘to mas totoo kaysa ideya ng Diyos sa langit.

Sa Diyos kayraming mamahalin.

Sa Diyos kayraming mamahalin.


Diyos sa langit mahal man ng tao,

puno ‘yon ng ideya ng tao’t ‘di totoo.

Katiting man pag-ibig nila sa Diyos, tunay pa rin ito.

Sa gawain Niya, Siya’y nakikilala.

Mahal Siya ng tao dahil dito.

Para mahalin ng tao, Diyos bumaba sa mundo,

para maranasan nila Kanyang realidad.

Kung ‘di nakapiling ni Pedro si Jesus,

‘di niya maiibig si Jesus.

Kaya katapatan Niya kay Jesus

nabuo rin nang makapiling Siya.

‘Di nangangahas ang tao na ibigin ang Diyos,

ni sinusubukang gawin ‘to.

‘Di pa nila natuklasan na kaibig-ibig ang Diyos

o na mahal Niya ang tao, Siya’ng Diyos na dapat ibigin.

Sa Diyos kayraming mamahalin.

Di ‘yon nakikita ‘pag ‘di Siya nakapiling.

Pagdating ng Diyos sa mundo,

gawa’t kariktan Niya makikita ng tao,

at tunay at normal Niyang disposisyon.

Lahat ng ‘to mas totoo kaysa ideya ng Diyos sa langit.

Sa Diyos kayraming mamahalin.

Sa Diyos kayraming mamahalin.


Kung Diyos ‘di naging tao,

gawain Niya’y ‘di mararanasan,

pag-ibig ng tao sa Diyos

mababahiran ng imahinasyo’t kabulaanan.

Pag-ibig sa Diyos sa langit

‘di tulad ng pag-ibig sa Diyos sa lupa,

dahil kaalaman sa Diyos sa langit

ay nabuo lang sa isipan,

‘di dahil sa nakita nila o kanilang naranasan.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag

Sinundan: 764 Para Mahalin ang Diyos, Kailangan Ninyong Maranasan ang Kanyang Pagiging Kaibig-ibig

Sumunod: 766 Ang Kasabihan ng mga Nagmamahal sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito