767 Ang Naniniwala ngunit Hindi Nagmamahal sa Diyos ay Buhay na Walang Kabuluhan
Ⅰ
Walang leksyong mas malalim
sa mapagmahal na Diyos.
Mula sa buong buhay ng paniniwala,
natututuhan ng tao’y pa’no mahalin ang Diyos.
Kung ika’y naniniwala, magsikap mahalin Siya.
Kung ika’y naniniwala nguni’t ‘di nagmamahal,
bigong makamit kaalaman ukol sa Kanya’t mahalin Siya
na may tunay na pag-ibig na mula sa ‘yong puso,
walang saysay ang ‘yong paniniwala.
Kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t ‘di Siya mahal,
walang kabuluhan kang nabubuhay,
buhay mo’y pinakamababa sa lahat.
Kung sa buong buhay mo,
‘di mo kailanman minahal ang Diyos,
ano ang punto ng pamumuhay?
Ano’ng punto ng ‘yong paniniwala sa Diyos?
‘Di ba ‘yan pag-aaksaya ng pagsisikap?
Ⅱ
Kung mga tao’y dapat paniwalaan,
mahalin ang Diyos,
mayro’ng dapat na pagbayaran.
‘Di lang nila dapat subukang
kumilos sa paraang panlabas.
Dapat silang humanap ng tunay na kabatiran
sa kailaliman ng kanilang puso.
Kung ika’y mahilig sa pag-awit at pagsayaw,
nguni’t hindi mo maisagawa ang katotohanan,
masasabi mo bang tunay na mahal mo ang Diyos?
Kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t ‘di Siya mahal,
walang kabuluhan kang nabubuhay,
buhay mo’y pinakamababa sa lahat.
Kung sa buong buhay mo,
‘di mo kailanman minahal ang Diyos,
ano ang punto ng pamumuhay?
Ano’ng punto ng ‘yong paniniwala sa Diyos?
‘Di ba ‘yan pag-aaksaya ng pagsisikap?
Ⅲ
Kalooban Niya’y hanapin sa lahat ng bagay.
Siyasatin nang malalim ‘pag may nangyari sa’yo.
Unawain kalooban ng Diyos, subukang makita
kung ano ang nais Niyang makamit mo,
at kung pa’no mo dapat isaisip ‘to.
Kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t ‘di Siya mahal,
walang kabuluhan kang nabubuhay,
buhay mo’y pinakamababa sa lahat.
Kung sa buong buhay mo,
‘di mo kailanman minahal ang Diyos,
ano ang punto ng pamumuhay?
Ano’ng punto ng ‘yong paniniwala sa Diyos?
‘Di ba ‘yan pag-aaksaya ng pagsisikap?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos