61 Ang Kahulugan ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw
Ⅰ
Sa huling mga araw gamit
ni Cristo’y mga katotohanan
upang tao ay ilantad at turuan,
gawa at salita nila ay tingnan.
Salita ni Cristo ay puro katotohanan
tungkol sa tungkulin ng tao,
pa’no maging tapat sa Diyos, sundin ang Diyos,
isabuhay ang normal na pagkatao,
karunungan, disposisyon ng Diyos, at iba pa.
Mga salita’y nakaturo sa tiwaling diwa ng tao.
Salita ay inilalantad kademonyohan
at paglaban ng tao sa Kanya.
Paghatol nagpapaunawa ng
tunay na mukha ng Diyos sa tao
at ng katotohanang suwail sila.
Nalalaman nila kalooba’t layon ng gawain Niya,
hiwagang ‘di maunawaan, dahilan ng katiwalian,
at kanilang kapangitan.
Ⅱ
Nililinaw ng Diyos likas na pagkatao ng tao sa salita
sa paglalantad at pagtatabas,
habang paghatol Niya’y Kanyang ginagawa.
Katotohanan lamang na wala sa tao ang makakagawa.
Ito ay paghatol, upang makilala ng tao ang Diyos,
at makukumbinsi silang pasakop sa Diyos.
Paghatol nagpapaunawa ng
tunay na mukha ng Diyos sa tao
at ng katotohanang suwail sila.
Nalalaman nila kalooba’t layon ng gawain Niya,
hiwagang ‘di maunawaan, dahilan ng katiwalian,
at kanilang kapangitan.
Paghatol ito ang epekto,
katotohanan, daan at buhay
ng Diyos ibinubunyag sa tao.
Ito ang paghatol na ginawa ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan