942 Sagana ang Awa at Matindi ang Poot ng Diyos
Talagang umiiral ang awa’t
pagpapaubaya ng Diyos.
Ngunit sa kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos,
‘pag pinapakawalan Niya’ng poot Niya,
ipapakita Niya sa tao’ng
pagiging ‘di nalalabag Niya.
I
‘Pag tao’y sumusunod sa utos ng Diyos,
kumikilos sa mga hingi Niya,
awa ng Diyos sa kanila’y sagana.
‘Pag ang tao’y tiwali at napopoot sa Kanya,
ang Diyos ay galit na galit.
Poot Niya’y magpapatuloy,
hanggang ‘di na nakikita ng Diyos
ang paglaban at masasamang gawa ng tao
sa harapan Niya.
Saka lang mawawala ang galit ng Diyos.
Siya’y mapagparaya’t maawain
sa mababait, mabubuti’t magagandang bagay;
‘di titigil ang poot Niya
sa kasamaan, kasalanan at nakakasuklam.
Ito’y dalawang pangunahing aspeto ng
disposisyon ng Diyos, na laging ‘pinapakita:
masaganang awa’t matinding poot.
II
Kahit na sino pa, kung ang puso nila’y malayo,
tumatalikod sa Diyos, ‘di kailanman babalik
pa’no man nila naisin na sambahin,
sundin ang Diyos sa katawan o isipan,
sa sandaling puso nila’y tumalikod sa Diyos,
poot Niya’y pakakawalan.
Pakakawalan ng Diyos
ang pinakamatindi Niyang galit
matapos mabigyan ang tao
ng sapat na pagkakataon.
Sa sandaling ito’y pakawalan,
‘di na ‘to mababawi;
‘di na Siya kailanman
magiging maawain sa kanila.
Ito’y isang panig ng disposisyon ng Diyos
na walang pahihintulutang paglabag.
Siya’y mapagparaya’t maawain
sa mababait, mabubuti’t magagandang bagay;
‘di titigil ang poot Niya
sa kasamaan, kasalanan at nakakasuklam.
Ito’y dalawang pangunahing aspeto ng
disposisyon ng Diyos, na laging ‘pinapakita:
masaganang awa’t matinding poot,
matinding poot.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II