941 Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos ay Natatangi
I
Ang Diyos ay nagpapahayag
ng matuwid na disposisyon
sa natatanging mga paraan at prinsipyo,
hindi nakokontrol ng mga tao,
kaganapan o bagay.
At walang sinumang makapagpapabago
sa Kanyang mga ideya o kaisipan,
o makahihimok sa Kanyang
sumubok ng ibang daan.
Ito ang natatanging matuwid
na disposisyon ng Maylalang!
Kanyang matuwid na disposisyon!
II
Hinahatulan ng Diyos sa Kanyang
matuwid na disposisyon
ang lahat ng gawa’t kaisipan ng lahat ng nilikha.
At batay dito, Siya’y naglalabas ng poot
o nagbibigay awa.
At hindi mababago ninuman
ang Kanyang awa o poot.
At tanging ang diwa Niya
ang magpapasya sa landas na ito.
Ito ang natatanging matuwid
na disposisyon ng Maylalang!
Kanyang matuwid na disposisyon!
III
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos,
banal at natatangi;
hindi nito kinukunsinti
ang paglabag o pagdududa.
Walang anumang magtataglay nito,
nilalang o hindi-nilalang.
Ang poot ng Diyos ay banal;
hindi ito maaaring magkasala.
Ang Kanyang awa ay gayundin
ang kalikasang taglay.
Ito ang natatanging matuwid
na disposisyon ng Maylalang!
Kanyang matuwid na disposisyon!
IV
Walang makahahalili sa Diyos
sa Kanyang mga kilos,
nilalang o hindi-nilalang.
Ni hindi nila mawawasak ang Sodoma
o iligtas ang Ninive gaya ng ginawa ng Diyos.
Ito ang natatanging matuwid
na disposisyon ng Maylalang!
Kanyang matuwid na disposisyon!
Kanyang matuwid na disposisyon!
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II