943 Ang Disposisyon ng Diyos ay Maawain at Mapagmahal, at Higit na Mahalaga, Matuwid at Maharlika
Paggamit ng apoy
sa pagwasak ng lungsod ng Sodoma’y
pinakamabilis na paraan ng Diyos
upang burahin ang anuman.
I
Pagsunog sa mga tao ng Sodoma ang
sumira sa katawan, kaluluwa’t espiritu nila,
kaya lahat ng namuhay do’n
ay ‘di na iiral sa mundo ng tao
o sa mundong ‘di kayang makita.
Ito’y paraang nagpapakita ng poot ang Diyos.
Gan’tong paraan ng pagpapahayag
at pagbubunyag
ay isang parte ng diwa ng poot ng Diyos.
Ito ay pagbubunyag ng diwa ng
matuwid na disposisyon ng Diyos.
‘Pag ‘pinadadala ng Diyos ang poot Niya,
tinitigil Niya’ng
pagpapakita ng awa’t kagandahang-loob.
‘Di na Siya nagpapaubaya o nagpapasensya.
Walang makakakumbinsing
maging pasensyoso Siya,
maging mas maawain o mapagparaya.
II
Kapalit ng mga ito,
nang walang pag-aalinlangan,
‘pinadadala’ng poot at kamaharlikahan Niya,
ginagawa’ng ninanais Niya.
Gagawin Niya’ng mga ito nang mabilis at malinis
ayon sa sarili Niyang kagustuhan.
Gan’to Niya ‘pinadadala’ng poot
at kamaharlikahan Niya,
at tao’y ‘di dapat ‘to labagin.
‘Pinapahayag nito’ng isang parte ng
matuwid na disposisyon ng Diyos.
‘Pag kita ng taong Diyos ay nagmamahal,
‘di nila makikita’ng poot at kamaharlikahan Niya,
o kawalang-paraya sa pagkakasala.
Iniisip ng taong matuwid na disposisyon ng Diyos
ay pag-ibig, awa’t pagpapaubaya lang.
Ngunit ‘pag winawasak Niya’ng isang lungsod
at kinasusuklaman Niya’ng tao,
makikita ng tao sa Kanyang galit
at kamaharlikahan ang
kabilang panig ng pagiging matuwid Niya.
Ito’ng ‘di pagkunsinti ng Diyos sa pagkakasala.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II