220 Ang mga Mananampalataya ay Dapat Sumunod Nang Mabuti sa mga Yapak ng Diyos

Pagka’t naniniwala sa Diyos ang tao,

dapat sundan nila’ng yapak Niya.


Inaalis ng gawain ng Banal na Espiritu

mga nagpapaalipin sa mga doktrina.

Sa bawat sandali ng panahon,

may bagong gawain ang Diyos,

dala ang bagong simula sa tao.

Kung tao’y manahan lang

sa katotohanan ng isang panahon

na si Jehova’y Diyos at si Jesus ay Cristo,

tao’y ‘di makakasabay o makakamit

ang gawain ng Banal na Espiritu.

Pagka’t naniniwala ang tao sa Diyos,

dapat nilang sundin ang yapak Niya.

Sundan Siya sa bawat hakbang,

sa’nman magtungo ang Cordero.

Sila lang ang hanap ay daang tunay,

batid ang gawain ng Espiritu.

Ang sumusunod lang sa Cordero

hanggang huli, magkakamit ng pagpapala.


Yaong ‘di sumusunod hanggang huli,

o nakakasabay sa gawain ng Espiritu,

at kumakapit lang sa lumang gawain

ang bigong nakamit ang katapatan sa Diyos.

Sila’y naging mga taong sumasalungat sa Diyos

at itinatanggi ng bagong kapanahunan,

at lahat sila’y parurusahan sa huli.

May mas kaawa-awa pa ba?

Pagka’t naniniwala ang tao sa Diyos,

dapat nilang sundin ang yapak Niya.

Sundan Siya sa bawat hakbang,

sa’nman magtungo ang Cordero.

Sila lang ang hanap ay daang tunay,

batid ang gawain ng Espiritu.

Ang sumusunod lang sa Cordero

hanggang huli, magkakamit ng pagpapala.


Silang nagpapaalipin sa kautusan

na mas tapat pa rito,

sila ang mas sumusuway sa Diyos.

Panahon na ng Kaharian, hindi Kautusan.

Ang gawain ngayo’y ‘di maikukumpara

sa lahat ng gawain noon; ang gawaing nagdaa’y

‘di maihahambing sa gawain ngayon.

Nagbago na’ng gawain ng Diyos,

pati na ang pagsasagawa ng tao;

ito’y ang ‘di sundin ang kautusan o magpasan ng krus.

Kaya ang katapatan ng tao sa mga ito

ay ‘di magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos.

Pagka’t naniniwala ang tao sa Diyos,

dapat nilang sundin ang yapak Niya.

Sundan Siya sa bawat hakbang,

sa’nman magtungo ang Cordero.

Sila lang ang hanap ay daang tunay,

batid ang gawain ng Espiritu.

Ang sumusunod lang sa Cordero

hanggang huli, magkakamit ng pagpapala.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Sinundan: 219 Gumising Nang Maaga, Ikaw na Matalino

Sumunod: 221 Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito