219 Gumising Nang Maaga, Ikaw na Matalino
1 Ang kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang mahirap maisip ng mga tao, at pumapasok na lahat sa realidad; talagang hindi maaaring maging walang pakundangan tungkol dito. Kung wala sa tamang lugar ang puso at isip mo, hindi ka magkakaroon ng daan pasulong. Mula umpisa hanggang katapusan, kailangang mapagbantay ka sa lahat ng pagkakataon, at tiyaking manatiling mapagbantay laban sa pagpapabaya. Pinagpala yaong mga palaging mapagbantay at naghihintay at mga tahimik sa harapan Ko! Pinagpala yaong mga palaging tumitingala sa Akin sa kanilang mga puso, yaong mga maingat na nakikinig sa Aking tinig, mga nagbibigay-pansin sa Aking mga pagkilos, at mga nagsasagawa ng Aking mga salita! Talagang hindi na pwedeng maantala pa; lahat ng uri ng mga salot ay raragasa, na ibinubuka ang mababangis na mga bibig nila upang lamunin kayong lahat tulad ng baha. Dumating na ang panahon! Wala nang lugar para sa pagbubulay-bulay. Ang tanging paraan palabas na magdadala sa inyo sa ilalim ng Aking pag-iingat ay ang bumalik sa harapan Ko.
2 Yaong matatalino ay dapat madaliang gumising sa katotohanan! Bitawan ang anumang bagay na hindi mo handang talikuran. Ang gayong mga bagay ay talagang nakasasama sa iyong buhay, at walang kapakinabangan! Umaasa Ako na kaya mong umasa sa Akin sa iyong mga pagkilos; kung hindi, ang tanging landas pasulong ay ang landas ng kamatayan—saan ka kung gayon pupunta para hanapin ang landas ng buhay? Bawiin mo ang puso mo na mahilig mag-abala sa panlabas na mga bagay! Bawiin mo ang puso mo na sumusuway sa ibang tao! Ang kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi tulad ng iniisip mo. Kung hindi mo kayang bitawan ang iyong mga kuru-kuro, daranas ka ng malaking kawalan. Kung ang gawain ay kaayon ng mga kuru-kuro ng tao, makakaya ba ng iyong dating kalikasan at mga kuru-kuro na malantad? Makakaya mo bang makilala ang sarili mo? Maaaring iniisip mo pa rin na wala kang mga kuru-kuro, pero ngayon malinaw na malalantad ang lahat ng iyong iba’t ibang pangit na mukha.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 14