67 Ang Huling Yugto ng Paglupig ay Nilalayong Iligtas ang mga Tao
I
Ang huling yugto ng panlulupig ay iligtas,
ibunyag ang katapusan ng tao,
isiwalat sa paghatol ang kasamaan,
sa gayon tumutulong sa kanilang
bumangon, magsisi,
hangarin ang buhay
at tamang landas ng buhay ng tao.
Ang huling yugto ng panlulupig ay
ang pukawin ang puso ng mga manhid,
ipakita ang pagrerebelde sa paghatol.
Kung ‘di pa rin kayang iwaksi ang katiwalian
at hangarin ang tamang landas,
sila’y magiging yaong ‘di kayang iligtas
at lalamunin ni Satanas.
Ang kabuluhan ng panlulupig
ay ang iligtas ang tao’t ipakita’ng katapusan nila—
mabuti o masama, iniligtas o isinumpa,
lahat ay ibinunyag sa gawain ng panlulupig.
II
Ang mga huling araw
ay ‘pag ang lahat ng bagay ay
inuuri sa paraan ng panlulupig.
Gawain ng mga huling araw
ang lupigin at hatulan ang kasalanan ng tao.
Inuuri nito’ng mga tao sa sansinukob.
Mga tao sa lahat ng bansa’y sasailalim sa
panlulupig, magpapasakop sa harap
ng luklukan ng paghatol.
Ang kabuluhan ng panlulupig
ay ang iligtas ang tao’t ipakita’ng katapusan nila—
mabuti o masama, iniligtas o isinumpa,
lahat ay ibinunyag sa gawain ng panlulupig.
III
Ang lahat ng nilalang ay uurii’t
hahatulan sa luklukan ng paghatol.
Walang sinumang makatatakas
sa paghatol na ‘to.
Walang tao o bagay
ang ‘di papangkatin ayon sa uri.
Lahat ay uuriin
dahil malapit na’ng wakas ng lahat.
Lahat ng langit at lupa
ay darating sa wakas nito.
Tao’y pa’no makakatakas
sa katapusan ng pag-iral niya?
Ang kabuluhan ng panlulupig
ay ang iligtas ang tao’t ipakita’ng katapusan nila—
mabuti o masama, iniligtas o isinumpa,
lahat ay ibinunyag sa gawain ng panlulupig.
Ang kabuluhan ng panlulupig
ay ang iligtas ang tao’t ipakita’ng katapusan nila—
mabuti o masama, iniligtas o isinumpa,
lahat ay ibinunyag sa gawain ng panlulupig.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1