17 Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos
Ang pagpapakita ng Diyos ay nagpapahiwatig
ng pagdating Niya sa lupa upang gumawa.
Sa sarili Niyang pagkakakilanlan,
disposisyon, pamamaraan,
pumaparito Siya upang magsimula
at tumapos ng isang kapanahunan.
I
Ang pagpapakita Niya’y ‘di seremonya,
tanda, larawan, himala o malaking pangitain,
lalong ‘di ito relihiyosong proseso,
bagkus tunay na nahahawaka’t nakikita.
‘Di ito para sa pagkilos nang wala sa loob
o pansamantalang pagsasagawa,
sa halip para sa isang yugto ng gawain
sa plano ng pamamahala Niya.
Sinisimulan ng gawaing ‘to’ng
bagong panaho’t tinatapos ang luma.
Ito’y pinahusay na gawain
para sa kaligtasan ng tao.
Dinadala’ng tao sa bagong kapanahunan.
Ito’ng kabuluhan ng pagpapakita ng Diyos.
II
Ang pagpapakita ng Diyos
ay laging makahuluga’t
konektado sa plano ng pamamahala Niya.
Iba ito sa pagpapakita Niya
pag pinapatnubaya’t nililiwanagan Niya’ng tao.
Sinisimulan ng gawaing ‘to’ng
bagong panaho’t tinatapos ang luma.
Ito’y pinahusay na gawain
para sa kaligtasan ng tao.
Dinadala’ng tao sa bagong kapanahunan.
Ito’ng kabuluhan ng pagpapakita ng Diyos.
III
Nagsasagawa ng yugto
ng dakilang gawain ang Diyos
sa tuwing inihahayag Niya ang sarili.
Naiiba sa gawain Niya sa ibang kapanahunan.
Isang di-inaakala’t
bagong karanasan para sa tao.
Sinisimulan ng gawaing ‘to’ng
bagong panaho’t tinatapos ang luma.
Ito’y pinahusay na gawain
para sa kaligtasan ng tao.
Dinadala’ng tao sa bagong kapanahunan.
Ito’ng kabuluhan ng pagpapakita ng Diyos.
Sinisimulan ng gawaing ‘to’ng
bagong panaho’t tinatapos ang luma.
Ito’y pinahusay na gawain
para sa kaligtasan ng tao.
Dinadala’ng tao sa bagong kapanahunan.
Ito’ng kabuluhan ng pagpapakita ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan