221 Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos

Kung hindi mo kayang sundan

ang liwanag ng ngayon,

kung gayo’y may agwat sa pagitan mo at ng Diyos,

ang ugnayang iyon ay maaaring naputol na,

ikaw ay walang normal na espirituwal na buhay.

Ang normal na relasyon sa Diyos ay naitatatag

sa pagtanggap sa mga salita ng Diyos ngayon.

Ikaw ba’y may normal na espirituwal na buhay

at tamang relasyon sa Diyos?

Sinusundan mo ba ang daloy ng Banal na Espiritu?

Nakalabas ka na ba mula

sa kalagayang walang pag-unlad?

Silang naniniwala sa mga salita ng Diyos,

na ginagawang batayan ang gawain ng Diyos

at sinusundan ang liwanag ng Espiritu ngayon,

sila ang mga nasa daloy ng Banal na Espiritu.


Sinusundan mo ba ang gawain ng Banal na Espiritu?

Kung nasusundan mo ang Kanyang

liwanag ng kasalukuyan,

nauunawaan ang kalooban ng Diyos

at nakakapasok sa Kanyang mga salita,

nasusundan mo ang daloy ng Banal na Espiritu.

Kung ‘di mo nasusundan ang daloy ng Banal na Espiritu,

tiyak na hindi mo hinahangad ang katotohanan,

ang Banal na Espiritu ay hindi kikilos

doon sa mga taong hindi nais lumago.

Ang ganoong mga tao’y hindi magagawang

tipunin ang kanilang lakas at sa halip

ay mananatiling walang pag-unlad.

Sinusundan mo ba ang daloy ng Banal na Espiritu?

Nakalabas ka na ba mula

sa kalagayang walang pag-unlad?

Silang naniniwala sa mga salita ng Diyos,

na ginagawang batayan ang gawain ng Diyos

at sinusundan ang liwanag ng Espiritu ngayon,

sila ang mga nasa daloy ng Banal na Espiritu.


Kung nagtitiwala kang ang mga salita

ng Diyos ay totoo at tama,

naniniwala ka sa Kanyang mga salita

kahit ano pa ang sabihin Niya,

kung gayo’y hinahangad mo

ang pagpasok sa gawain ng Diyos.

At sa ganitong paraan iyong

tinutupad ang kalooban ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Sinundan: 220 Ang mga Mananampalataya ay Dapat Sumunod Nang Mabuti sa mga Yapak ng Diyos

Sumunod: 222 Maging Isang Tao na Tumatanggap ng Katotohanan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito