1010 Ang mga Pagsasaayos ng Diyos para sa mga Kahihinatnan ng Lahat ng Tao

I

Yaong gumagawa ng masama

sa panahon ng paghatol,

ipapadala ng Diyos sa lugar

na puno ng masasamang espiritu.

Katawan nila’y wawasakin

ng mga ito hangga’t nais nila,

mangangamoy-bangkay sila.

Angkop na parusa nila.


II

Isinusulat ng Diyos ang kasalanan

ng ‘di tapat at huwad ang pananalig.

Itatapon sila sa maruruming espiritu,

walang muling pagsilang at liwanag.

Ipokritong naglingkod sa Kanya

ngunit ‘di naging tapat hanggang huli

ay ibibilang ng Diyos sa mga masasama.

Makikipagsosyo sa masasama,

magiging parte ng kaguluhan nila.

Sisiguruhin ng Diyos sa huli na sila ay puksain.


III

Ang mga ‘di tapat kay Cristo,

walang pagsisikap,

isasangtabi sila ng Diyos,

sila’y ‘di papansinin.

Sila ay pupuksain

sa sandaling magbago ang panahon.

‘Di na sila mabubuhay pa sa lupa,

o papasok sa kaharian ng Diyos.

Ang wala sa pusong makitungo sa Diyos

ibinilang sa naglilingkod sa bayan Niya.

Ila’y mabubuhay, ang iba’y hindi

kasama ng mga nagkulang sa serbisyo.


IV

Sa huli, dadalhin ng Diyos sa kaharian Niya

ang may isipan na kaayon Niya,

Kanyang bayan, mga anak, at napiling saserdote.

Sila ang bunga ng gawain ng Diyos.

Ang ‘di nabibilang sa kahit anumang

kategorya ay maisasama

sa mga ‘di-mananampalataya.

Ano pa ba’ng kahihinatnan nila?


V

Nasabi na ng Diyos ang dapat sabihin;

piliin niyo ang tatahaking daan.

Gawain ng Diyos ay ‘di maghihintay

sa mga ‘di kayang sumabay.

Nasabi na ng Diyos ang dapat sabihin;

piliin niyo ang tatahaking daan.

Matuwid Niyang disposisyon

ay ‘di maaawa kaninuman.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Sinundan: 1009 Ang Mga Hindi Sumusunod sa Landas ng Diyos ay Dapat Parusahan

Sumunod: 1011 Nagpapasiya ang Diyos sa Kalalabasan ng Tao Ayon sa Kanilang Diwa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito