1011 Nagpapasiya ang Diyos sa Kalalabasan ng Tao Ayon sa Kanilang Diwa
Ⅰ
Kung makaligtas ang isang tao sa huli,
iyo’y dahil nagawa niya ang mga ipinagagawa ng Diyos.
Ngunit kung ‘di siya makakaligtas sa huli,
ito’y dahil sumusuway sila’t
di mapapalugod nais ng Diyos.
Di puwedeng ipasa ang masasamang gawa
ni ang katuwiran ng isang bata sa kanyang mga magulang.
At ang kasamaan o katuwiran ng mga magulang
ay di maililipat sa kanilang mga anak.
May hantungang nararapat sa bawat tao.
Nalalaman ‘yan batay sa kanilang kakanyahan.
Ang kanyang hantungan ay walang kaugnayan sa iba.
Ⅱ
Bahala sila sa sarili nilang mga kasalanan o pagpapala,
di puwedeng humalili ang isang tao para sa iba.
Di mapapasan ng isang tao ang mga kasalanan ng iba;
bukod pa riyan, walang tatanggap ng parusa
para sa ibang tao. Sigurado ‘yan.
Kung gumagawa ng katuwiran
ang isang tao, siya ay matuwid.
At masama ang isang tao
kung masama ang ginagawa niya.
Ang mga gumagawa ng katuwiran
ay malamang na makaligtas,
at malulupig ang masasama.
Kung banal ang isang tao, wala siyang bahid-dungis.
Kung marumi ang isang tao, wala siyang banal na bahagi.
Ⅲ
Pupuksain ang masasama’t makakaligtas ang mga matuwid,
kahit ang anak ng isang masamang tao’y matuwid,
o ang mga magulang ng isang matuwid na tao’y masama.
Walang anumang kaugnayan ‘yan
kung naniniwala ang lalaki
at ang asawa niya’y hindi,
o kung naniniwala ang isang anak
at ang mga magulang niya’y hindi.
Dalawang uri sila na magkaiba.
Ⅳ
Kaya bago mamahinga ang isang tao,
may mga kamag-anak siya sa paligid.
Ngunit pag namahinga na siya,
wala na siyang kamag-anak na masasabi.
Kung ang isang tao’y gumagawa ng tungkulin,
kaaway siya ng mga hindi.
Ang mga nagmamahal sa Diyos
ay kaaway ng mga galit sa Kanya.
At ang mga nakapasok sa kapahingaha’y
di katugma ng mga pupuksain.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama