1009 Ang Mga Hindi Sumusunod sa Landas ng Diyos ay Dapat Parusahan
I
Ang Diyos ay walang kinikilingang sinuman,
naghahatol nang may matuwid na disposisyon.
Hinihingi Niya sa tao’y tiyak na tama’t angkop.
May mga kondisyong dapat tuparin ng lahat.
‘Di mahalaga kung sino ka man,
o kuwalipikasyong mayro’n ka,
pagtahak mo sa landas Niya, tanging mahalaga;
mahalaga sa Kanya’y hilig mo’ng katotohanan.
Sundin ang kasalukuyang salita ng Diyos,
ikaw ay tatanggap ng pagpuri mula sa Kanya.
Yaong mapanghimagsik at sa Diyos ay tumututol,
sa landas ng Diyos ‘di sumusunod,
ay parurusahan! Parurusahan!
Wala sa kanilang pinatatawad,
at ‘di maaawa sa kanila!
II
Kung wala kang katotohana’t
ngalan Niya’y pinapahiya,
sumusunod ngunit ‘di tinatahak landas ng Diyos,
ika’y pababagsakin Niya dahil sa iyong kasamaan.
Masasabi mo bang ‘di naging matuwid ang Diyos?
Sabi mo sinunod mo Siya sa hirap at ginhawa,
at nagdusa ka lang sa bawat hakbang;
sabi mo ay kasama mo ang Diyos
sa lungkot at ligaya,
ngunit ‘di mo pa ‘sinabuhay Kanyang salita.
Sundin ang kasalukuyang salita ng Diyos,
ikaw ay tatanggap ng pagpuri mula sa Kanya.
Yaong mapanghimagsik at sa Diyos ay tumututol,
sa landas ng Diyos ‘di sumusunod,
ay parurusahan! Parurusahan!
Wala sa kanilang pinatatawad,
at ‘di maaawa sa kanila!
III
Nais mo lang gumugol sa Diyos,
ngunit makabuluhang buhay, ‘di sinasabuhay.
Sabi mo matuwid ang Diyos, aalalahanin ka Niya,
dahil ika’y naghirap nang lubos,
labis kang nagdusa,
inialay sarili sa Kanya, sa mabuting gawa.
Ngunit katuwiran Niya ay walang bahid, dungis,
wala itong kalooban ng tao,
walang dungis ng laman,
o mga pamamalakad ng tao.
Sundin ang kasalukuyang salita ng Diyos,
ikaw ay tatanggap ng pagpuri mula sa Kanya.
Yaong mapanghimagsik at sa Diyos ay tumututol,
sa landas ng Diyos ‘di sumusunod,
ay parurusahan! Parurusahan!
Wala sa kanilang pinatatawad,
at ‘di maaawa sa kanila!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol