189 Isang Pagpukaw sa Pamamagitan ng Paghatol
1 Sa buong panahong iyon ng pananampalataya sa Panginoon, nakatuon lamang ako sa pagpapaliwanag ng mga teoriya ng Biblia; hindi ako nagpasakop kailanman sa Kanyang mga salita at mga utos. Nagpagal ako, ngunit ginawa ko lamang iyon para makapagkamit ng katayuan at mga gantimpala. Sa kabila ng pamumuhay sa kasalanan, umasa pa rin ako sa pagdadala sa akin sa kaharian ng langit sa pagdating ng Panginoon. Matapos maranasan ang paghatol ng mga salita ng Diyos, nagising ako mula sa aking mga panaginip; ngayon, nakikita ko na ako ay pangit, kasuklam-suklam, at napakatiwali. Nagsalita ako ng maayos na doktrina at ipinangalandakan ang sarili saanman ako magpunta. Pinalamutian ko ang aking sarili sa doktrina upang linlangin ang iba, maging ang sarili ko. Hindi ko isinasabuhay ang realidad ng mga salita ng Diyos; wala akong wangis ng tao. Bagama’t lumalakad ako sa landas ng mga Fariseo, ipinapalagay ko pa rin ang sarili ko na matapat. Napakapalad ko na ang paghatol ng mga salita ng Diyos ay niyugyog ako hanggang magising! Nakikita ko na ngayon ang lalim ng aking katiwalian, at na kailangan ko ang paghatol at pagpapadalisay ng Diyos.
2 Ang paghatol ng Diyos ay hinahayaan ako na makita nang malinaw ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan. Punong-puno ang tao ng mga kuro-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos, at malamang na ipagkakanulo Siya anumang oras. Kung walang mga pagsubok upang ibunyag ang kalikasan ng isang tao, walang sinuman ang malinaw na makakakita nito. Ang sangkatauhan ay napakalalim na nagawang tiwali, at hindi madadalisay ang mga tao nang hindi sumasailalim ng paghatol. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ipinahahayag nang buo sa loob ng Kanyang paghatol, at Siya ang nagpapasya sa kahihinatnan ng mga tao batay sa kung taglay nila ang katotohanan o hindi. Gaano man sila nagdurusa, wala itong kabuluhan maliban kung nakamit na nila ang katotohanan. Sa pagdanas lamang ng paghatol at pagkamit ng katotohanan maaaring papurihan ng Diyos ang mga tao. Ang paggamit ng Diyos ng paghatol at pagkastigo upang dalhin sa tao ang kaligtasan ay napakamakabuluhan. Anong karangalan ito na malaman ang pagiging matuwid at kabanalan ng Diyos! Ang paghatol Niya ang nagliligtas sa akin at pumupukaw sa aking puso. Nagpasya ako na hanapin ang katotohanan at isabuhay ang realidad upang luwalhatiin at patotohanan ang Diyos.