851 Gaano Kahalaga ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao
I
Ang larawang nakapinta sa Bibliya
“ang utos ng Diyos kay Adan”
ay nakaaantig-puso’t nakapupukaw.
Bagaman ang nilalaman lang
ng larawan ay ang tao’t Diyos,
ang ugnayan sa pagitan ng dalawa ay matalik,
na tayo ay makararamdam
ng pagkamangha’t paghanga.
II
Ang masaganang pag-ibig ng Diyos
ay malayang ibinibigay sa tao,
pag-ibig Niya sa kanya’y nakapaligid.
Ang tao, inosente’t dalisay, walang alalahanin,
maligayang nabubuhay sa mga mata ng Diyos.
Nagmamalasakit Siya sa tao,
at nabubuhay ang taong protektado ng Diyos.
Ang lahat ng ginagawa ng tao,
mga salita’t gawa niya,
ay nakaugnay sa Diyos, ‘di mahihiwalay.
III
Mula sa unang sandaling nilikha
ng Diyos ang sangkatauhan,
pinananagutan ng Diyos ang tao.
Anong pananagutan iyon?
Ito ay ang protektahan at alagaan ang tao.
Inaasahan ng Diyos na ang tao’y
magtiwala’t sumunod sa mga salita Niya.
Ito ang unang inasahan
ng Diyos mula sa sangkatauhan.
IV
Taglay ang unang pag-asang ito,
sinabi ng Diyos ang mga salitang,
"Sa lahat ng puno sa hardin
ay malaya kang makakakain:
Ngunit sa kahoy ng pagkakilala
ng mabuti’t masama,
mabuti’t masama, huwag kang kakain:
sapagkat sa araw na ito’y kainin mo
ay tiyak na mamamatay ka."
Ang simpleng mga salitang ito’y
kumakatawan sa kalooban Niya,
nagpapakita ng malasakit para sa tao’y
nasa puso na ng Diyos.
V
Kaya, sa simpleng mga salitang ito,
kita natin ang nasa puso ng Diyos.
May pag-ibig ba sa puso Niya?
‘Di ba’t may kalinga at malasakit?
Ang pag-ibig at kalinga ng Diyos ay
kapwa nadarama.
Kung ikaw ay taong may konsensya at pagkatao,
mararamdaman mong ika’y nililingap at minamahal,
madarama mo na ika’y pinagpala ng kasayahan.
VI
‘Pag nararamdaman mo ang mga bagay na ito,
pa’no ka makikitungo sa Diyos?
Kakapit ka ba sa Kanya?
Hindi ba’t mapitagang pag-ibig
ang lalago sa’yong puso?
Mapapalapit ba ang puso mo sa Kanya?
Mula rito makikita kung ga’no kahalaga
ang pag-ibig Niya sa tao.
Ngunit ang mas higit pang mahalaga kaysa rito
ay ang madama at maunawaan ng tao
ang pag-ibig ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I