452 Ang Prinsipyo ng Gawain ng Banal na Espiritu
Ⅰ
Ang Banal na Espiritu
ay hindi gumagawa ng may pagkiling,
at hindi maaaring mag-isang gumawa ang tao.
Gumagawa ang tao kasama ang Espiritu ng Diyos.
Ginawa ito nang magkasama.
Ang pagsisikap ng tao at
ang gawain ng Banal na Espiritu
ay nagbibigay ng kaalaman sa salita ng Diyos.
Sa dahan-dahang pagtahak
sa landas na ito araw-araw,
isang perpektong tao ang maaaring magawa.
Upang maliwanagan, upang malinawan
ng Banal na Espiritu
ay kinakailangan ng iilang gawain,
sa pakikipagtulungan at aktibong pananalangin,
paghahanap at paglapit sa Diyos.
Ⅱ
Ang Diyos ay hindi gumagawa
ng mga bagay na higit sa karaniwan,
ngunit iniisip ng tao na
ang Diyos ang tumutupad sa lahat ng mga bagay.
Naghihintay lamang siya,
hindi nagbabasa ng salita ng Diyos o nananalangin,
at naghihintay sa paghipo ng Espiritu.
Ngunit iba ang iniisip ng yaong mga nakakaunawa:
Ang Diyos ay gumagawa sa kung paano ako kumilos.
Ang bunga ng Kanyang gawain ay nakasalalay sa akin.
Dapat magsumikap ako upang
matugunan ang Kanyang salita.
Upang maliwanagan, upang malinawan
ng Banal na Espiritu
ay kinakailangan ng iilang gawain,
sa pakikipagtulungan at aktibong pananalangin,
paghahanap at paglapit sa Diyos.
Ⅲ
Mas lalong natututuhan ng tao
na gawin ang kanilang katungkulan,
mas lalo nilang ipinagpapatuloy ang pagkakamit
sa mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos,
mas malaki ang gawain ng Banal na Espiritu.
Upang maliwanagan, upang malinawan
ng Banal na Espiritu
ay kinakailangan ng iilang gawain,
sa pakikipagtulungan at aktibong pananalangin,
paghahanap at paglapit sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Makikilala ang Realidad