188 Desididong Manatiling Lubusang Tapat sa Diyos

1 Lubusan akong ginawang tiwali at winasak ni Satanas; hinahangad ang katanyagan at kayamanan, namumuhay ako sa kasalanan. Sa aking isipan, bawat tao ay para sa kanyang sarili at bahala na ang iba; wala akong pakialam sa konsiyensiya o moralidad. Naawa sa akin ang Diyos at itinaas ako, inililigtas Niya ako mula sa masamang daigdig. Tinulutan ako ng Kanyang mga salita ng paghatol at paglalantad na makita ang ugat ng katiwalian ng daigdig. Si Satanas ang lubhang gumawang tiwali sa sangkatauhan, binibitag ang lahat sa kailaliman ng kasamaan. Ginising ako ng mga salita ng paghatol ng Diyos, at nakita ko ang liwanag ng buhay. Ang katanyagan, kayamanan, posisyon, at kaligayahan ng laman ay tunay na walang kabuluhan, at hindi ko na hahangarin ang mga ito. Ang pagpapasakop sa Diyos, pagsasaalang-alang sa Kanyang puso, at pagtupad sa tungkulin ng isang tao ang tanging tunay na mga prinsipyo ng Langit at lupa. Nais kong tanggapin ang paghatol at pagdadalisay ng Diyos, at isabuhay ang tunay na pagkakatulad sa tao.

2 Tinatawag tayo ng Diyos, kaya dapat tayong tumindig at tanggapin ang Kanyang ibinigay na gawain; isang karangalan ang paggugol ng ating sarili para sa Kanya. Sa paghihirap, ang paggabay ng mga salita ng Diyos ay lalong nagpapatatag sa akin; paano ko nagagawang mag-araro ngunit panay ang lingon? Napakabihira na matanggap ang pagsasanay ng kaharian; talagang hindi ko dapat palampasin ang pagkakataong ito na magawang perpekto. Kung bibiguin ko ang Diyos, pagsisisihan ko ito sa natitirang panahon ng buhay ko. Kung tatalikuran ko Siya, kokondenahin ako ng kasaysayan. Kung hindi ko ginampanang mabuti ang aking tungkulin at susuklian ang pagmamahal ng Diyos, paano ako magiging marapat na mamuhay sa harap ng Diyos? Sa kaibuturan ko, pinahahalagahan ko lamang ang katotohanan at tapat ako sa Diyos; hindi na ako muling magrerebelde o magiging dahilan ng pagdadalamhati Niya. Nang may tapat na pagmamahal para sa Diyos, walang anuman at sinuman ang makapipigil sa akin. Magpapatotoo ako upang luwalhatiin ang Diyos gaano man kahirap ang mga pagsubok at pagdurusa. Determinado akong makamit ang katotohanan, magawang perpekto ng Diyos at magpatotoo sa Kanya magpakailanman.

Sinundan: 187 Susuklian Ko ang Pagmamahal ng Diyos

Sumunod: 189 Isang Pagpukaw sa Pamamagitan ng Paghatol

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito