190 Puso Ko’y Napukaw ng Paghatol
Ⅰ
Anong dapat kong hanapin sa aking pananampalataya?
Ako ngayon ay namulat.
Dati, naniwala ako sa Panginoon
para lamang sa mga pagpapala.
Tinamasa ko biyaya ng Diyos nang may kasakiman.
Ngunit puso ko’y napukaw ng paghatol.
Lahat ng tamang bagay sinabi ko sa panalangin,
ngunit isinagawa ang anumang nais ko.
Ang ginawa ko para sa Diyos
ay para sa aking kapalaran at hinaharap.
Ang katotohanan ay hindi ko isinagawa.
Pagkatapos ay napukaw ng paghatol ang aking puso.
Sinamba ko ang Diyos nabubuhay sa relihiyosong ritwal,
ngunit puso ko’y ‘di napuno, ito’y walang laman.
Tiwaling disposisyon ko’y ‘di nalinis.
Paano ko maisasagawa ang kalooban ng Diyos?
Ang salita ng Diyos ay tulad ng espadang may dalawang talim,
tumatagos sa’king puso’t espiritu.
Labis na akong nagdusa sa pagsubok at pagpipino,
katiwalian ko nililinis.
Natikman ko na pag-ibig ng Diyos,
at ako’y determinado na hanapin at kamtin ang katotohanan.
Matapat kong tutuparin aking tungkulin sa Diyos
upang gantihan Kanyang pagmamahal
at maging tunay N’yang saksi.
Ⅱ
Sa’king pananalig akin nang natamasa
ang mabuting biyaya ng Diyos,
ngunit ‘di ibig sabihi’y aking natamo na ang buhay.
Kung walang katotohanan ‘di ko maisasabuhay ang realidad,
pagsasabing mahal ko ang Diyos kasinungalingan lang.
Ngunit puso ko’y napukaw ng paghatol.
Gaano man ka-deboto o gaano karaming mabuting gawa,
talagang naging mapagkunwari ako.
Sa tungkulin ay nakipagkasundo ako sa Diyos,
tunay na pandaraya at pagtutol sa Kanya.
At napukaw ng paghatol ang puso ko.
Nakita ko na kung gaano ako katiwali.
Kailangan ko ang Kanyang paghatol at pagdadalisay.
Nahatulan na ako sa harap ng luklukan ni Cristo.
At puso ko’y napukaw na.