4 Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga Huling Araw
1 Nagmula ang kidlat sa Silangan at nagliwanag sa Kanluran. Nagpakita ang Anak ng tao at ipinahahayag ang katotohanan upang hatulan ang sangkatauhan–Siya ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Binuksan ng Makapangyarihang Diyos ang pitong tatak; iniladlad Niya ang balumbon. Nag-umpisa sa bahay ng Diyos ang Kanyang paghatol, at nagsimula na ang paghatol ng mga huling araw. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan; nalupig ng mga ito ang mga puso ng milyon-milyon, at ang matatalinong dalaga, na naririnig ang tinig ng Diyos, ay nagbalik sa harap ng trono ng Diyos. Nahatulan at nailantad ng mga salita ng Diyos ang mga pinagmulan at katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan. Dinalisay at iniligtas ng Kanyang paghatol at pagkastigo ang mga itinaas sa harap ng trono ng Diyos.
2 Ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan na humahatol, naglilinis, at nagliligtas sa sangkatauhan. Naipamalas na Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon. Sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos, nakita ng Kanyang mga tao ang kanilang mga sariling satanikong kalikasan; nalinis at nabago na ang kanilang mga tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng mga paghihirap, pagsubok at pagpipino. Lumuluhod ang bawat tao sa harap ng Diyos, puno ng paggalang ang kanilang puso, pinupuri ang Kanyang pagiging matuwid at kabanalan. Hindi lamang maawain at mapagmahal ang disposisyon ng Diyos—higit pa riyan ay matuwid at maharlika ito. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nag-iisang tunay na Diyos na humahatol at nagliligtas sa sangkatauhan. Ang Makapangyarihang Diyos ang nagdala ng daan ng buhay na walang hanggan, at Siya ang tanging pag-asa ng sangkatauhan.
3 Bumuo ang Makapangyarihang Diyos ng isang pangkat ng mananagumpay sa Tsina, ipinamamalas ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan at karunungan. Matagal nang napahiya at natalo ang masasamang puwersa ng malaking pulang dragon; naghihingalo na sila. Natalo na ng Diyos si Satanas at ganap na Siyang niluwalhati, at natapos na ang Kanyang dakilang gawain. Hinahatulan ng Makapangyarihang Diyos ang masama at tiwaling mundo sa pamamagitan ng Kanyang pagiging matuwid, pagiging maharlika, at poot. Pinupuksa ng malalaking sakuna ang lahat ng mga kalabang puwersa, at isinasakatuparan ang kalooban ng Diyos sa mundo. Nakaupo na sa trono ng kaluwalhatian ang Makapangyarihang Diyos, at nagpakita na ang kaharian ni Cristo. Ang lahat ng bansa at tao ay nalupig na ng mga salita ng Diyos at sumamba na sa Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw.