6 Si Cristo ng mga Huling Araw, ang Kaligtasan ng Sangkatauhan
Ⅰ
Isang kidlat ang nagliliwanag mula sa Silangan,
ginigising ang mga natutulog sa kadiliman.
Naririnig namin ang mga salitang binigkas
ng Banal na Espiritu sa mga iglesya,
iyon nga ang tinig ng Anak ng Tao.
Nakikita ng lahat ng taong nananahan sa kadiliman
ang tunay na liwanag, napupukaw sa kagalakan,
nagsasaya at nagpupuri sa pagbabalik ng Manunubos.
Naririnig ng mga hinirang ng Diyos ang tinig ng Diyos,
tinatamasa ang mga salita ng Diyos
at dumadalo sa piging ng Cordero.
Ang Cristo ng mga huling araw,
ang kaligtasan ng sangkatauhan,
ang Iyong pagdating ang nagdadala ng liwanag sa sangkatauhan.
Mga salita Mo’y maningning, pagliligtas Mo’y malawak at tunay.
Nililinis kami, inililigtas ng paghatol Mo,
upang muli kaming mabuhay at magpatotoo sa gawain Mo.
Anim na libong taong pinasama ni Satanas ang sangkatauhan,
nagdurusa sa kasalanan, at sa wakas ay nakita nila ang liwanag.
Ang katuwiran ay nagpapakita sa mundo,
ang katotohanan ang may hawak ng kapangyarihan,
at mapalad ang mga hinirang ng Diyos
na masaksihan ang pagpapakita ng Diyos.
Ⅱ
Sa madilim na mundo,
ang hari ng mga diyablo ang may kapangyarihan,
at ang masamang sangkatauhan ay niyuyurakan
at sinasaktan nang labis ni Satanas.
Ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan at inilalantad Niya
ang katotohanan ng pagpapasama ni Satanas sa sangkatauhan.
Sa pagkaunawa sa katotohanan
at pagkakita sa ugat ng masamang mundo,
ang mga tao ng Diyos ay napopoot sa malaking pulang dragon
at matatag na sumusunod sa Diyos.
Iwinawaksi namin ang madilim na impluwensya ni Satanas,
at natatamo ang dakilang pagliligtas ng Diyos.
Ang Cristo ng mga huling araw, ang kaligtasan ng sangkatauhan,
dala ng Iyong mga salita ang dakilang awtoridad
at tinatalo lahat ng kaaway.
Ang Iyong mga salita ay katotohanan at buhay,
ang mga iyon ang nagiging saligan
para mabuhay ang sangkatauhan.
Dinadala Mo sa liwanag ang sangkatauhan,
at ngayon ang sangkatauhan ay may magandang hantungan.
Ang anim na libong taon ng
gawain ng pamamahala ng Diyos ay natapos na,
ang Kanyang pagkakatawang-tao
ang nagdadala sa kaharian ni Cristo.
Dumarating ang kaharian, nagpapakita ang Araw ng katuwiran,
ang mga nananalig sa Diyos ay nagtitipon sa palibot ng trono
at buong pusong pinupuri ang Diyos!