915 Lahat ng Nasa Ilalim ng Awtoridad ng Lumikha ay Lubos na Perpekto
Ⅰ
Lahat ng nalikha ng Diyos,
lahat ng gumagalaw at di-gumagalaw,
mga ibon, isda’t halaman, insekto’t
mababangis na hayop, lahat mabuti sa Diyos,
sa Kanyang mga mata, ayon sa Kanyang plano,
lahat napakaperpekto,
nakakamit lahat ng ninais ng Diyos.
Ⅱ
Isa-isa N’yang ginawa,
lahat ng balak N’yang gawin sa Kanyang plano.
Sunud-sunod, lumitaw,
mga bagay na binalak N’yang likhain.
Bawat isa’y larawan at resulta ng awtoridad N’ya.
Dahil dito, labis na nagpapasalamat
ang lahat sa biyaya ng Lumikha,
nagpapasalamat sa ipinagkaloob N’ya.
Ⅲ
Nang kamangha-manghang gawa ng Diyos,
unti-unting nahayag,
mundong ito, unti-unting nanagana
sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos.
Dating kaguluhan, dating kadiliman,
naging kaliwanagan, naging kasiglahan,
dating nakabibinging katahimikan.
Ⅳ
Lahat ng bagay na nilikha,
malaki hanggang maliit,
maliit hanggang napakaliit,
lahat ‘yon ay nilikha sa awtoridad
at kapangyarihan ng Lumikha.
Likas ang pangangailanga’t kahalagahan
sa pag-iral ng bawat isang nilalang.
Anumang hugis at kayarian,
lahat umiiral sa ilalim ng Kanyang awtoridad.
Ⅴ
Sa awtoridad ng Lumikha,
lahat, tutugtog ng himig para sa Kanya,
ng pasimula para sa Kanyang gawain.
At sa sandaling ito,
magbubukas din S’ya ng bagong pahina
sa Kanyang pamamahala.
Oo, magbubukas Siya ng bagong pahina.
Ⅵ
Oo, ayon sa batas ng tagsibol,
ng pagsulong ng tag-init,
ng tag-ani, ng taglamig,
na itinakdang lahat ng Lumikha,
lahat ayon sa plano ng pamamahala ng Diyos,
sasalubong sa bagong araw, bagong takbo ng buhay.
Magpaparami sila nang tuluy-tuloy,
para salubungin bawat araw,
sa ilalim ng awtoridad N’ya.
Lahat lubos na perpekto.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I