914 Lahat ng Bagay ay Pagpapakita ng Awtoridad ng Maylikha
Ⅰ
Sa bagong mundo, wala pa ang sangkatauhan,
inihanda ng Maylikha ang umaga at gabi.
Inihanda Niya ang kalangitan, lupa, at karagatan,
damo, halaman, inihanda Niya lahat ng puno.
Inihanda Niya mga liwanag, panahon, taon at araw
para sa bagong buhay na Kanyang nalalapit na likhain.
Ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylikha’y
ipinahayag sa bawat bagong bagay na Kanyang nilikha.
Lahat ng Kanyang kaisipan, pagbigkas,
bawat kapahayagan ng kapangyarihan Niya’y
obra maestra sa lahat ng bagay,
ito’y dakilang gawaing karapat-dapat sa malalim
na kaalaman at kaunawaan ng sangkatauhan.
Ⅱ
Mga salita Niya’t kaganapan nila’y sabay naganap,
na walang anumang pagitan o pagkakaiba.
Ang pagdating at pagsilang ng lahat ng bagong bagay
ay nagpatunay ng awtoridad ng Maylikha.
Siya’y kasingbuti ng Kanyang salita,
salita Niya’y maisasakatuparan.
Ang mga natupad na ay mananatili magpakailanman.
Ito ay katotohanang ‘di nagbabago,
sa nakalipas man o kasalukuyan.
At ganoon din, sa magpakailanman.
Lahat ng Kanyang kaisipan, pagbigkas,
bawat kapahayagan ng kapangyarihan Niya’y
obra maestra sa lahat ng bagay,
ito’y dakilang gawaing karapat-dapat sa malalim
na kaalaman at kaunawaan ng sangkatauhan.
Ⅲ
Ang kapangyarihan at awtoridad ng Manlilikha
ay nagbubunga ng tuloy-tuloy na himala.
Kanyang inaakit ang atensyon ng tao,
sila ay natutulala sa Kanyang gawa,
na nakakahanga at nagmula
sa paggamit ng Kanyang awtoridad.
Dala ng Kanyang pambihirang kapangyariha’y
walang patid na kagalakan.
Tao’y napahanga, napakasaya, namamangha sa tuwa.
Tao’y naaantig, nanggigilalas, nagbubunyi.
Kalooban ng tao’y napuno ng respeto at paggalang.
Lahat ng Kanyang kaisipan, pagbigkas,
bawat kapahayagan ng kapangyarihan Niya’y
obra maestra sa lahat ng bagay,
ito’y dakilang gawaing karapat-dapat sa malalim
na kaalaman at kaunawaan ng sangkatauhan.
Ang awtoridad at gawa ng Manlilikha’y
pumupukaw sa espiritu ng tao.
Ang awtoridad at gawa ng Manlilikha’y
naglilinis sa espiritu ng tao.
Ang awtoridad at gawa ng Manlilikha’y
bumubusog sa espiritu ng tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I