916 Ang Awtoridad at Kapangyarihan ng Lumikha ay Walang Hanggan
“Inilalagay Ko’ng bahaghari sa alapaap,
at siyang magiging tanda ng kasunduan
Ko at ng lupa.”
I
Ito’ng orihinal na mga salitang
binigkas ng Lumikha sa tao.
Pagkasabi Niya, lumitaw ang bahaghari.
Nananatili ito hanggang ngayon.
Ang bahaghari’y tanda ng kasunduan
sa pagitan ng Diyos at tao,
pagpapatuloy ng kapangyarihan ng Diyos
matapos bigkasin ang mga salita Niya.
‘Di kailangan ng siyentipikong batayan,
‘di tao ang gumawa nito,
walang tao’ng makababago nito, oohhh woah!
“Diyos ay kasingbuti ng salita Niya’t
salita Niya’y matutupad,
at yaong natutupad Niya’y
mananatili magpakailanman.”
Ganyang salita’y ‘pinapahayag dito
para makita ng lahat,
malinaw na tanda’t katangian
ng awtoridad ng Diyos.
II
Ang Lumikha ay gumamit ng paraan Niya
upang tuparin ang pangako’t kasunduan,
at bahaghari’y ginamit bilang tanda
ng kasunduan Niya sa tao.
Ito’y utos at batas ng kalangitan
na mananatiling ‘di magbabago,
patungkol man sa sangkatauhan o sa Lumikha.
Sa batas na ‘to kapangyarihan Niya ay makikita,
tulad ng sa paglikha ng mga bagay at tao;
awtoridad Niya ay walang-hanggan, oohhh woah!
III
Bahagharing ‘to’y isa pang pagkilos
ng Diyos gamit ang mga salita Niya,
tanda ng kasunduang ginawa ng Diyos
sa tao gamit ang mga salita Niya.
Sinabi Niya sa tao’ng makakamit Niya,
paano ito matutupad.
Sa paraang ‘to ang bagay ay natupad
ayon sa mga salitang galing sa bibig ng Diyos.
Diyos lang ang may gayong kapangyarihan,
at ngayon, ilang libong taon
matapos Niyang ihayag,
kita pa rin ng tao’ng bahagharing
ginawa ng salita ng Diyos.
IV
Dahil sa yaong mga sinabi ng Diyos,
bagay na ‘to’y nananatiling ‘di nabago
hanggang ngayon.
Walang makatatanggal sa bahagharing ‘to,
at makababago sa mga batas nito.
Umiiral lang ito sa mga salita ng Diyos.
Ito mismo ang awtoridad ng Diyos.
“Diyos ay kasingbuti ng salita Niya’t
salita Niya’y matutupad,
at yaong natutupad Niya’y
mananatili magpakailanman.”
Ganyang salita’y ‘pinapahayag dito
para makita ng lahat,
malinaw na tanda’t katangian
ng awtoridad ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I