Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?
Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo, nagawa na ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas. Ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya ay ginawa sa Israel at Juda. Sa dalawang yugtong iyon ng gawain ng Diyos, marami sa Kanyang mga salita ang ipinahayag sa pamamagitan ng mga propeta at nakasulat sa Banal na Biblia. Lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw para sa paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan ay nakatala sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses naging tao ang Diyos para isagawa ang gawain ng pagliligtas para sa sangkatauhan. Ang una, naging tao ang Diyos bilang ang Panginoong Jesus na ipinako sa krus para makumpleto ang gawain ng pagtubos. Nakaligalig ito sa buong mundo. Ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus ay kumalat sa mga dulo ng daigdig, nakarating sa bawat tahanan at naging palasak sa bawat sambahayan. Ang Kristiyanismo ay nagtatag ng mga iglesia sa lahat ng bansa at lugar. Napakaraming taong nananalig sa Kristiyanismo! Sa mga huling araw, naging tao ang Diyos, na ang Makapangyarihang Diyos, at gumawa ng gawain ng paghatol. Nakaligalig din ito sa buong mundo. Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay ipinahayag at pinatotohanan ng Makapangyarihang Diyos sa buong sangkatauhan. Lahat ng nagmamahal sa katotohanan at naghahanap sa pagpapakita at gawain ng Diyos ay narinig ang tinig ng Diyos sa pagbabasa ng Biblia at ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Nang makita ang pagpapakita at gawain ng Diyos, natukoy nila ang pag-iral at pangingibabaw ng Diyos. Dahil hindi n’yo alam kung mayroong Diyos, bakit hindi n’yo hanapin at pag-aralan ang gawian ng Diyos? Sa buhay n’yo, kahit maraming walang pananalig ay mapagtitibay ang ganoong mga salita ng karunungan tulad ng “Pinagpapasyahan ng Langit ang tadhana ng tao” at “Kapag kumikilos ang mga tao, nagmamasid ang Langit,” at “Nagpapanukala ang tao, nagsasaayos ang Diyos.” Sinumang may konsiyensya ay tumatanggap sa parusa. Kahit hindi makita ng tao ang Diyos, naunawaan niya ang mga salitang ito ng karunungan. Lubos niyang napagtibay ang pag-iral at pangingibabaw ng Diyos. Yaong naghahanap lang ng pera at nasa puso ang pera ay hindi naghahangad na pag-aralan ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Ang nakikita lang nila ay pera, katanyagan at pakinabang sa kanilang mga mata. Mahalaga sa kanila sa lahat ang katayuan at kapangyarihan. Sinasabi sa Biblia na mga hangal lamang ang magsasabing walang Diyos.
Kahit miyembro kayo ng CCP, isang ateista, hindi ba kayo nananalig sa kalooban ng Langit? Hindi n’yo ba kinikilala na ang tadhana ng isang tao ang nagpapasiya sa kanyang buhay? Hindi n’yo ba kinikilala ang katotohanan na “Kung ano ang ibinato mo, siya ring babalik sa ’yo”? Sapat na ito para patunayan na naghahari ang Diyos sa mundo at sa sangkatauhan. Mula pa noong unang panahon hanggang ngayon, ang mga bansa o lahing kumalaban sa Diyos ay walang-salang mapapahamak. Napakadali sa Diyos na lipulin ang isang bansa o lahi. Gunitain natin na noong gumagawa ang Panginoong Jesus, ang mga pinuno ng Judaismo ay nakipagtulungan sa gobyernong Romano at ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Pitumpung taon pagkaraang mamatay ang Panginoon, pinarusahan ng Diyos ang bansang Israel. Nang mawala na sa mundo ang Israel, maraming Judio ang pinatay. Kinalaban din ng rehimeng Romano ang Diyos at malupit na pinahirapan ang mga Kristiyano sa loob ng tatlong daang taon. Sa huli, pinarusahan ang Imperyong Romano. Winasak ito ng Diyos. Mula sa mga pangyayaring ito sa kasaysayan nakikita natin na yaong mga kumalaban sa Diyos ay ipinahamak ang kanilang sarili. Pinarusahan at nilipol sila ng Diyos. Mula nang maghari, galit na galit nang inaresto at pinagpapatay ng CCP ang mga Kristiyano. Lalo na, ang pagpapakita ni Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, na gumagawa sa China ay nakaharap ng mas baliw pang pagtuligsa at pagkalaban ng gobyernong CCP. Naglunsad ng nakakatakot at ubos-lakas na panunupil ang CCP laban sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na baliw na tinugis si Cristo at malupit na pinahirapan ang mga taong hinirang ng Diyos. Nag-imbento pa ito ng lahat ng klase ng tsismis para siraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagtatangkang udyukan at lokohin ang mga tao na tanggihan at iwaksi ang Diyos, kaya nasira ang pagkakataon ng sangkatauhan na tumanggap ng kaligtasan at kinaladkad ang mga tao sa impiyerno para parusahan. Ang napakaraming paraan ng pagkalaban at masasamang gawa ng CCP ay matagal nang nagpagalit sa disposisyon ng Diyos. Sa pagtatapos ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, magpapababa ang Diyos ng iba’t ibang kalamidad para puksain ang lahat ng masasamang puwersa ni Satanas, at puksain ang CCP, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kumakalaban sa Diyos, para ipakita ang matuwid at di-maiiwasang disposisyon ng Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Saanman nagpapakita ang pagkakatawang-tao ay nalilipol ang kaaway sa lugar na iyon. Unang pupuksain ang Tsina; wawasakin ito ng kamay ng Diyos. Hindi talaga maaawa ang Diyos doon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 10). “Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na sumusuway sa gawain ng Diyos ay wawasakin; anumang bansa na tumututol sa gawain ng Diyos ay mabubura sa daigdig na ito, at titigil sa pag-iral” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Bawat isa sa mga salita ng Diyos ay matutupad. Kinalaban ng CCP ang Diyos, sinaktan ang napakaraming taong nananalig sa Diyos, at gumawa ng napakaraming kasamaan para maghatid ng malalaking kalamidad sa mga Chinese. Paano ito hindi isusumpa at lilipulin ng Diyos? Tingnan n’yo ang mas madadalas at matitinding kalamidad sa China, ito ang mga parusa sa pagkalaban sa Diyos. May kasabihan ngang: “Ang sukdulan ng kawalang-katarungan ay kapahamakan.” Kapag bumaba ang malaking kapahamakan at napuksa ang CCP, huli na para pagsisihan n’yo ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang awa Ko ay inihahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatatwa ng kanilang mga sarili. Samantala, ang kaparusahang sumasapit sa masasama ay mismong patunay ng matuwid na disposisyon Ko at, higit pa, patotoo sa poot Ko. Kapag sumapit ang sakuna, lahat ng sumasalungat sa Akin ay mananangis habang sila’y binibiktima ng taggutom at salot” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). “Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at mangumpisal sa harap ng Diyos, at kung hindi, ang magiging kapalaran at hantungan ng tao ay isang hindi maiiwasang sakuna” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Napakalinaw ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa pananalig at pagsamba lang sa Diyos matatanggap ng sangkatauhan ang pagmamalasakit at proteksyon ng Diyos, at makakaligtas sa malaking kapahamakan!
mula sa iskrip ng pelikulang Red Re-education sa Bahay