903 Ang Awtoridad ng Diyos ay Natatangi

I

Ang awtoridad ng Diyos ay natatangi;

ito’y espesyal Niyang pagpapahayag at diwa,

na walang ibang may’ron, nilalang man o hindi.

Ang Maylalang lang ang may gan’tong awtoridad,

Diyos na Natatangi ang may gan’tong diwa.

Nilikha ng Diyos ang lahat,

hawak Niya ang dominyon sa lahat.

Kinokontrol Niya’y di lang ilang planeta,

di lang ilang bahagi ng

sangnilikha o sangkatauhan.

Ngunit hawak Niya ang lahat

sa Kanyang makapangyarihang mga kamay,

malaki man o maliit, nakikita o hindi,

mula sa mga tala hanggang sa maliliit na selula,

at lahat ng nilalang na

umiiral sa ibang mga anyo.

Ito ang talagang ibig sabihin ng “lahat”

na kinokontrol ng Diyos.


II

Ang awtoridad ng Diyos ay tila mahirap maarok,

ngunit ito’y di mahirap unawain.

Ito’y nasa tao, bawat minuto’t bawat araw,

nakikita’t nararamdaman

ng tao ga’no katunay ito.

Ang katunayang ito’y nagpapatunay

na ang kapangyarihan ng Diyos ay nariyan;

ito’y nagpapaunawa sa tao na Diyos lamang

ang may gan’tong kapangyarihan.

Nilikha ng Diyos ang lahat,

hawak Niya ang dominyon sa lahat.

Kinokontrol Niya’y di lang ilang planeta,

di lang ilang bahagi ng

sangnilikha o sangkatauhan.

Ngunit hawak Niya’ng lahat

sa Kanyang makapangyarihang mga kamay,

malaki man o maliit, nakikita o hindi,

mula sa mga tala hanggang sa maliliit na selula,

at lahat ng nilalang na

umiiral sa ibang mga anyo.

Ito ang tiyak na ibig sabihin ng “lahat”

na kinokontrol ng Diyos.

Ito ang saklaw kung sa’n ginagamit

ng Diyos ang kapangyarihan Niya,

ang saklaw ng Kaniyang paghahari.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Sinundan: 902 Ang Katayuan at Pagkakakilanlan ng Diyos Mismo

Sumunod: 904 Ang Awtoridad ng Diyos ay Simbolo ng Kanyang Pagkakakilanlan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito